"HINDI NAMAN ho talaga ito kailangan, S-Sir..."
Halos magbaga ang mga pisngi ko sa sobrang kahihiyan na nararamdaman habang nakasunod ako sa malapad na likod ng anak ni Mr. Sandoval papasok ng opisina. Well, I could feel the burning sensation penetrating my chest even as the cold air from the AC brushed against my skin, telling me that the burn on my chest badly needed an immediate treatment, but I couldn't let him do that.
He's my boss, for goodness sake!
Hindi siya umimik. Matapos niya akong paupuin sa itim na couch sa receiving area ay kaagad siyang lumabas. Saglit lamang iyon. Nang bumalik siya ay bitbit niya na ang isang maliit na puting plastic box— isang first-aid kit.
I shut my eyes in frustration. "There's no need to do this, Sir."
But he just silently seated himself next to mine. Inilapag niya ang first aid kit sa ibabaw ng glass center table at binuksan iyon na para bang hindi niya ako narinig.
His eagerness to treat my burn by himself was plastered on his stoic face.
Is he serious?
Oh, God!
Nasabi rin nga pala ni Mr. Sandoval na may angking katigasan ng ulo itong anak niya. But I couldn't let him do what he wanted. Kung matigas ang ulo niya, mas matigas ang sa akin.
"A-Ako na po," mautal-utal kong sabi nang agawin ko ang botelya ng ointment sa kanya. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya. Pero pinagsawalang-bahala ko iyon. Ang importante sa akin ay ang makaalis na ako sa opisinang ito!
Because even though Mr. Sandoval wasn't here with us, the entire room made me feel small.
It made me feel like I was an ant in a big dome.
I was still intimidated by how neat and clean the room was and how it sparkled despite its dark motif.
So, without any warning, I unbuttoned my clothes until they showed the deep v of my chest where the coffee spilled. Namumula ang parte na iyon ng balat ko at ramdam ko ang hapdi pababa sa aking tiyan.
Tatanggalin ko na sana nang tuluyan ang pagkakabutones ng damit ko nang biglang tumikhim ang anak ni Mr. Sandoval.
"I think... I should go first?" he asked, wiggling his thick brows.
Kaagad akong napatakip sa dibdib, kahit may suot pa akong spaghetti strap na kakulay rin ng balat ko. I almost forgot that he was a man! That I was with a man! Ysa, ano bang iniisip mo at bakit lutang ka na naman?
"S-Sa labas ko na lang po gagawin," sabi ko.
Tatayo na sana ako matapos kong maibalik ang pagkakabutones ng damit ko nang unahan niya na ako.
"No."
Napakurap ako habang nakatingala sa kanyang mukha. Like Mr. Sandoval said, his son was a playful man. At kitang-kita ko ang aura na iyon sa mukha niya kahit sa matipid niyang ngiti. At hindi ko maiwasan ang hindi mapatulala sa kakisigan niya.
BINABASA MO ANG
Catching the CEO's Heir | Art of Temptation Series (TO BE PUBLISHED UNDER PIP)
Fiksi UmumWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Inside ART OF TEMPTATION SERIES: Catching the CEO's Heir Ysa is one of the hottest secretaries in town, but she is also a certified NBSB. She has already achieved her dreams: having a good life, providing what sh...