Naka-awang ang labi ko habang pinagmamasdan ang maliit na bahay sa aking harapan. "D-Dito talaga ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay kuyang driver.
Agad siyang tumango. "Opo ma'am. Ang ganda nga eh.."
Anong maganda rito? It's so small! Yung kusina, may mga gamit pero sobrang konti. The bathroom do not have shower and I can't even walk inside because it's too small! Wala man lang divider yung mismong toilet at bath area!
Ang liit rin ng sala. Dalawang sofa lang at maliit na kahoy ang center table. Pagpasok ko naman sa kwarto ko, sobrang liit ng kama. I might fall there when I am asleep! Isama mo pa'ng parang hindi malambot yung foam no'n.
I can't believe this! Sabi ni Dad nandito ako para matuto pero hindi niya sinabing ganito! I hate him now..
I sighed, I can't do anything about it. I glanced at him. "Where's the refrigerator?"
Umiling siya. "Wala. Pag-ipunan mo daw yo'n ma'am kung gusto mo."
Bigla siyang tumalikod at nagmamadaling umalis habang ako ay tulala rito at pilit na pinapasok sa utak ang sinabi niya. The heck? That cost too much!
I looked at the ten thousand bill on my hands. I think I can check in to the hotel with this.
Inilapag ko ang bagahe at lumabas. The next house is like fifty meters from here. Tinanaw ko 'yon at naglakad papalapit.
Nang makalapit ay may nakita akong nagwawalis na matanda. "Hello..?" I called her with my hesitant voice. I don't know how to approach her.
Napatingin siya sa'kin at mukhang nagulat. She glanced at my house little far from here. "Ikaw yung bagong lipat?" She asked so I nod my head.
Alanganin akong ngumiti. "Do you know where can I find a cheap hotel here?"
Napakunot ang noo niya. Nagulat ako ng sumigaw ito at may tinawag. May lumabas na mas batang lalaki at napunta agad sa'kin ang mata niya.
He smiled. "Ikaw yung bagong lipat?"
I nod for the second time. The old woman tapped his shoulder and pointed me. "May tinatanong.."
He asked what is it so I repeated my question. "Where can I find a near hotel?" Naalala ko na magla-lunch time na. "A restaurant perhaps?"
Tumitig siya sa'kin at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa kaya napangiwi ako. Humarap siya sa babae na tantya ko ay lola niya. "Restaurant daw, la. Tsaka hotel.."
Napakamot siya sa kaniyang batok bago ako balingang muli. "Walang malapit na hotel rito, sa bayan pa 'yon. Wala ring restaurant, karinderya mayro'n.."
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sabi ko mabubuhay ako ng isang buwan dito. Isang araw palang yata suko na 'ko.
Iniling ko ang ulo. Pupunta nalang akong bayan. If there's a hotel there, then there's a restaurant too. "Where can I find taxi? Or any transportation?"
"Maglakad ka." Pabalang na saad niya kaya napasimangot ako. Is he fooling me?
Nakita niya ang mukha ko kaya agad siyang nagsalitang muli. "Walang taxi rito. May habal-habal, pero maglalakad ka pa rin. Tsaka sa itsura mo, hindi ka sanay sa ganitong lugar. Mag-ingat ka, baka nakawan ka ng mga tao dyan.."
Bagsak ang balikat na naglakad ako. Nagpasalamat muna ako dahil sinagot pa rin nila ang tanong ko. I walked towards the direction he pointed a while ago. Sabi niya, malapit lang pero kanina pa 'ko naglalakad.
The heck, para ba sa kanila malapit lang 'yon?
Naupo ako sa gilid ng daan dahil sa sobrang pagod. Natatanaw ko naman na ang pupuntahan ko.
"This is hilarious.." I unbelievably said to myself. My father is hilarious to make this kind of decision!
I glanced at my watch and it's already one pm. Gutom na gutom na 'ko. This is my first time in my whole life not to eat on exact lunch time.
Bigla akong napatigil ng may paang tumigil sa harapan ko. Napatingala ako at nakakita ng lalaking malaki ang katawan at hindi sa pangdya-judge pero mukha siyang maasim.
Nakita ko ang mata niyang tumingin sa relo ko kaya pasimple kong binaba ang braso. Tumikhim ako at tumayo bago sana tumuloy sa paglalakad ng tawagin niya ang atensyon ko. "Hoy!"
I faced him with my creased forehead. "What?" Pabalang kong tanong.
He then smiled like a maniac. Bigla siyang humakbang papalapit kaya umatras ako. "Magkano pera mo diyan miss? Akina dali.."
"Why would I give it to you?" Taas kilay kong tanong. Ano nga ulit tawag sa mga ganitong tao? Biglang nanlaki ang mata ko ng maalala. "Adik ka ba?"
Biglang namula ang mukha niya. Mas lalong naging kamukha niya si shrek ngayon. "Anong sabi mo?! Mukha ba 'kong adik? Gusto mong pilipitin ko 'yang leeg mo?"
Bigla akong napalunok. Kung kanina, tatapang-tapang ako, ngayon ay halos manginig ako sa kaba. Why is he even mad about it? That's the truth!
Napaatras ako ng humakbang siyang muli. He then grabbed my arm, kung nasaan ang relo ko. He forcefully pull it and he succeed. Napasigaw ako. "Idiot! That's a half million worth of watch! Bakit mo sinira?!"
Kahit siya nanlaki ang mata sa sinabi ko. "Totoo?!"
I suddenly slapped him because of frustration. "Oo tanga!"
Biglang nanlaki ang mata ko ng ma-realize ang ginawa. Mas lalo siyang nagngit-ngit sa galit. But I should be the one to get mad! He stole my watch!
He was about to hit me when a large hand grabbed his fist. Nanlaki ang mata ko ng bigla siya nitong itulak at napaupo siya sa sementadong daan.
His broad back block my vision. Kung malaki ang katawan ng nagnakaw ng relo ko ay mas malaki ang kaniya.
"Anong sa tingin mo ang ginawa mo?" He said in a dangerous voice. Napalunok ako dahil sa kagwapuhan ng boses niya na tumatagos hanggang sa apdo ko.
Lumapit sa kaniya ang lalaki at hinablot ang relo ko. Unti-unti kong nasilayan ang kaniyang mukha. My jaw dropped when I realized that he's the farmer I saw when I was in my car a while ago.
His messy hair and thick eyebrows gives him more seductive style on his face. He has a pointed nose and a well-defined jaw. Sorry but damn, he's so hot.
"Tutulala ka ba buong magdamag o kukunin 'tong pinagmamalaki mong relo?"
Natauhan ako ng bigla siyang magsalita. Masama ang tingin na iginawad niya sa'kin bago padabog na inabot ang relo ko.
Minus points ka sa'kin, sungit mo.
Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa kaniya. Kahit na masungit ka, type kita. Mangbibingwit ako ng mga adonis dito.
"Thank you.." I said with full of sincerity. He saved me from that shrek.
Umismid siya. "Change your clothes, also your accessories if you'll stay here. Talagang pag-iinterisan ka ng mga tao rito kung ganyan ka lalabas.."
Nagulat ako ng mag-english siya pero hindi ko na 'yon pinansin pa.
Napakagat ako sa aking labi at tumango. With my beautiful eyes, I stared at him. "You? You're not interested in me?" Pabebe kong saad.
He glared at me. "Hindi."