10

5.8K 105 43
                                    

Pumupungas pa ang mata ko ng kuhanin ang maliit na sobre sa ibaba ng pinto. I opened it, may laman itong pera at sulat.

Agad kong kunuha ang maliit na papel at binasa.

This is your allowance, sweetie. I don't know why I can't contact you so I decided to order someone to deliver this to you. Be careful there anak, we're just fixing something.

-Dad and Mom

I sighed and pulled the money out of the envelope. Nanlaki ang mata ko ng makitang twenty-five thousand ang laman.

Napangiti ako dahil doon. Naisip din siguro nila na kulang ang sampung libo sa'kin.

Pero sa totoo lang, sa isang buwan ko rito ay hindi ko pa nauubos ang pera na dala ko. Hindi ko na nga rin napansin na huli ang pagpapadala ni Dad.

Itinago ko ang pera sa kwarto ko. Palabas na sana ako ng bahay ng mapansin ko ang tambak na labahin. Bigla kong naalala na nasira ko ang washing machine at dryer noong nakaraan.

Huminga ako ng malalim. Magtatanong nalang ako sa kanila kung saan may laundry rito.

Paglabas ko ay katulad ng lagi kong ginagawa, pumunta ako sa bukid ngunit laking pagtataka ko ng hindi maabutan doon si Lucas.

I decided to go to their house. Pagdating ko roon ay saktong bukas ang pinto kaya akala ko ay si Lucas ang nandito pero si Liam pala.

Napatingin siya sa'kin ng pumasok ako. He's currently fixing something. "Monic.."

Ngumiti ako. "Where's Luc? Wala siya sa bukid." Tanong ko rito.

He scratched the back of his head. "May ginagawa si Kuya sa bayan, Monic."

Napatango ako. Medyo nalungkot dahil wala siya ngayon. "Is that so?"

Tumango naman ito. Pinunasan niya ang pawis sa kaniyang noo at umayos ng tayo. "Doon ka lagi nakatambay, ayaw mo bang sumama sa'kin?" Pagbibiro niya.

Umiling naman ako kaagad. "Lagi kitang hindi naaabutan.." bigla akong napangiti. Wala akong gagawin ngayon, wala rin si Luc. Sa kaniya na lang ako sasama.

Parang pareho kami ng naisip kaya para kaming tangang dalawa dahil nag-ngingitian. Tumaas at baba ang kilay nito. "Ngayon?"

Masaya akong tumango. "Now!"



Masaya akong sumusunod kay Liam. May dala siyang container at lambat.

Nilingon niya ko at alanganing ngumiti. "Pagod ka na? Medyo malayo talaga 'to Monic.."

I shook my head. "No, I'm okay Liam.."

Tumango naman siya at pinantayan ang lakad ko. Inakbayan niya ang balikat ko tsaka tumawa. "Bumabait na ang spoiled brat ha?"

Bigla akong napasimangot dahil doon. Sinamaan ko siya ng tingin. "Magkapatid talaga kayo ni Lucas.."

Tumawa na lamang ito at umiling.

Ilang minuto pa ay ramdam ko na ang paglamig ng hangin. My smile widened when I saw the sea.

Nang makarating kami ay agad akong tumakbo sa dalampasigan at inilubog ang paa ko sa tubig. I played with the water using my feet.

Umiiling na ngumiti sa'kin si Liam. Nakita ko ang paglapit niya sa isang maliit na bangka sa gilid at inilapag doon ang gamit niya. It's a color blue small boat. I think just two persons will fit inside.

Perfect LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon