04

5.6K 111 64
                                    

I groaned and irritably stared at the ceiling. I can't fucking sleep! It's not comfortable. Umikot akong muli at ipinikit ang mata pero hindi pa rin. Halos maiyak na 'ko sa inis.

Nakita ko sa gilid ang phone ko at halos ibato ko na rin 'yon dahil sa inis. As I expected, there's no signal here! I can't contact any of them.

Idagdag mo pang napaka-init. I just have an electric fan here and not an aircon.

"I really hate my father now.." nakakunot noo kong bulong sa sarili.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Pero ng magising ako ay bangag na bangag pa 'ko. Nabawasan ang kagandahan ko ng one percent.

I remembered what they said. They will go to the market at exact seven in the morning. Saktong maaga akong nagising dahil hindi ko rin naman sigurado kung nakatulog ako.

I took my bath. Tiniis ko na lang kahit hindi ako komportable dahil wala naman akong magagawa.

Nagsuot ako ng kulay maroon na strap dress. It's above my knee. I put a light make-up on my face and wore a simple sandals that match perfectly to my outfit.

Napangiti ako ng makita ang ayos ko. Sakto rin na may kumatok sa pinto kaya agad ko 'yong binuksan ng may ngiti sa labi.

Liam is smiling at me. He's just wearing a simple shirt and shorts. Lucas didn't smile and glared at me. Like Liam, he's just wearing a simple clothes.

Bigla akong napatingin sa sarili ko at pabalik sa kanila. Masyado ba yung outfit ko? But this is my simplest dress!

"Kulang na lang mag sasakyan ka. Kung hindi mo naaalala, pupunta kang palengke at hindi mall." Luc said in his sarcastic voice.

Napasimangot ako. "You don't care on what I wear."

He just rolled his eyes and walk. Humarap sakin si Liam. "Sigurado ka na d'yan? Baka maputikan o madumihan 'yan mamaya."

Mayabang naman akong tumango. "Of course!"





And what he said is true. Halos malukot ang mukha ko habang tinitignan ang papasukan namin. There's a lot of people. The smell of fishes, meats, odors from different people is like a chaos.

"Are you sure..?" Alanganin kong saad sa kanila habang papalapit kami sa looban.

Luc didn't bother to face me. "P'wede ka ng umuwi ngayon pa lang, spoiled brat."

Nag-init ang ulo ko sa tinawag niya sa'kin. Kahapon pa talaga 'to namumuro ah. Oh well, baka nagsusungit-sungitan lang siya pero may gusto na pala sa'kin.

Napangisi ako sa naisip. I will make him fall for me so that, he will eat his words.

Tuluyan kaming nakapasok sa loob at sobrang siksikan. Kumapit ako sa braso ni Liam dahil ayokong mawala.

Ang lansa ng amoy. Hindi ako OA pero hindi lang talaga ako sanay. Oh my god, my stomach is churning because of its smell.

"Ano bang bibilhin mo?" Tanong ni Liam. Iniling ko ang ulo dahil hindi ko rin alam.

"Buy me some vegetables nalang.." saad ko. I don't know how to cook. Gagawa nalang ako ng paraan mamaya. "Uhm.. anything,"

Tumango si Liam sa'kin at pumunta kami sa isang babaeng nagtitinda ng gulay. He pick all the vegetables I need. Kasama na rin ang ilang pampalasa dahil sinabi kong samahan niya no'n.

Wala si Luc, malay ko kung saan na napunta ang masungit na 'yon.

I handed the lady one thousand bill. Kinuha ni Liam ang mga plastic bago ako balingan. "Barya lang, Monic. Wait, ako na muna magbabayad."

Perfect LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon