Naglalakad ako at sumusunod sa kaniya. Siya naman ay hindi ako pinapansin at naglalakad lang. Ilang minuto ng huminto ito at biglang humarap sa'kin habang masama ang tingin.
"Bakit ka ba sumusunod?" He asked arrogantly.
Malaki naman ang ngiti ko. "I need to eat.."
He raised his eyebrow. "At kainan ba 'ko? Umuwi ka at kumain." Pabalang niyang saad.
Napairap naman ako. "There's no food in my house! Pakain muna ako please?" Pinagsalikop ko ang palad at nagmamakaawang tumingin sa kaniya.
He sighed. "I don't have too. Hindi ako kumakain ng tanghalian.." saad nito bago muling maglakad.
Tirik ang araw kaya halos mangisay na 'ko rito sa init. Para akong sinusunog ng buhay. Napaupo na 'ko sa panghihina at gutom. I can't take this anymore!
Napalayo na siya kaya akala ko ay didiretso na talaga siya at iiwan ako ng bigla niya akong lingunin. Kitang kita ko ang inis sa mga mata niya habang mabibigat ang hakbang na lumalapit sa'kin.
Tumingala ako upang makita siya. "Kakain ka lang sa bahay. Pagtapos ay umalis ka agad." Seryoso niyang saad.
Napatayo ako dahil sa narinig. Bigla ko siyang niyakap dahil sa tuwa.
Ang tigas ng muscles, pati yung braso niya.. Damn, maugat.
Hindi siya amoy pawis, ba't ganon? Ang bango omg.
"Bitaw." He gently push me. Napasimangot ako dahil doon. "Ulitin mo pa 'yon, sigurado akong hindi ka kakain."
Mabilis kong iniling ang ulo at tinulak na siya palakad. Bigla akong kinabahan. I should flirt him after I eat. Baka mamatay na 'ko rito sa gutom.
I don't know but I can't feel any danger in him. I think because he saved me? Yeah, siguro nga.
Nakarating kami sa bahay niya at parang katulad lang ng akin. Mas malaki lang ito ng kaunti.
He walked straight to the kitchen. Sinabi niyang umupo ako sa mesa na malapit kaya ginawa ko. I can see him, preparing the food for me.
Inilapag niya sa harapan ko ang isang plato na may kanin at ulam na hindi ko alam. I know this fish, it's tilapia. Tilapia with tomatoes and eggs on it.
Naglapag siya ng tubig at nag-abot rin ng kutsara. Nanatili ang isang palad ko na nakabukas, hinihintay ang tinidor pero wala.
"Where's the fork? Tsaka samahan mo ng small knife so that I can eat this fish properly." Baling ko sa kaniya.
Dumilim ang mata nito at mariin na tumingin sa'kin. Kita ko rin ang pag-igting ng panga niya, halatang nagagalit na.
Why is he mad? I just want fork!
"Walang tinidor. Bilisan mo kumain d'yan bago kita palayasin."
I started to eat. Pilit kong tinutusok ng kutsara ang laman ng isda. Nakakakuha ako ng laman pero nadudurog siya dahil sa pagsundot ko.
Narinig ko ang padabog niyang pagtayo kaya napatingin ako sa kaniya. He washed his hands before going beside me. Kita ko ang pagkamay niya sa isda at paglalagay no'n sa plato ko.
Tiningala ko siya at kitang seryoso ito sa ginagawa kaya hindi na 'ko umimik. When he's done, he glared at me. "Ayoko sa maarte."
"Gusto naman kita." Nakangiti kong saad. Natawa ako ng makita ang pamumula ng tainga niya. I just don't know if he's blushing or being red because of anger.
Napatikhim ito at lumabas. Hindi ko na siya pinansin pa at tumuloy na sa pagkain.
Nang matapos ay naghugas ako ng kamay. Kita ko ang aninong papasok ng bahay kaya agad ko siyang sinalubong.
"The food is good! And thank you for letting me--" I stopped when I realized that he's not the guy earlier.
Isang lalaki na kasing tangkad niya ang bumungad sa'kin. He's muscular also and have a deep black eyes. Bagsak ang buhok nito na umaabot sa kaniyang mata habang nakatitig sa'kin.
"Sino ka?" He suddenly asked. Binaba niya ang dala niyang pamilyar na balde at... Lambat.
What the freaking hell? He's the guy I saw!
"Tinatanong kita.." bigla akong natauhan ng magsalita itong muli. "Sino ka?"
My mouth gaped open when I realized that he has the same feature with the guy earlier. Akmang magsasalita pa lamang ako ng may mauna.
"Napulot ko sa daan. Nanghihingi ng makakain kanina kaya binigyan ko." He said in his baritone voice.
Napataas ang kilay ko. "Excuse me?! I'm not a beggar!" Mataas na boses kong saad sa kaniya. Humarap ako at sinamaan siya ng tingin.
Narinig ko ang mahinang tawa. The guy in front of me glanced at me. "Mukha nga.."
Mas lalo akong napairap. Hindi ko na pinansin pa ang pang-aasar nila. Naalala ko lang, kumain na ko lahat-lahat pero hindi ko alam ang pangalan nila.
I cleared my throat and extended my hand. "I'm Kizeah Monic," I cutely smiled at them, hoping that they will like it.
Ang unang umabot sa kamay ko ay ang bagong dating. "Liam," he smiled and shook my hand.
Humarap ako sa lalaking nagpakain sa'kin. Seryoso lamang ang mata nito at hindi inabot ang kamay ko. "Lucas,"
My smile widened. "Brothers? Am I right?"
Umirap si Lucas sa'kin. "Obviously.." Napakasungit talaga ng isang 'to. Buti pa si Liam hindi.
Hindi ko siya pinansin at humarap kay Liam. "You know, it's my first time here. Can you help me? I actually don't know where can I buy some foods. That's the reason why I pleased you."
Kung hindi ko malalaman kung saan nakakabili ng pagkain, talagang mamamatay ako sa gutom.
Napataas ang kilay ni Lucas sa sinabi ko. "Bakit ka ba kasi nandito? Hindi ka mabubuhay dito kung ganyan ka. Titignan ka palang, halata ng hindi ka pinapadapuan ng lamok sa inyo."
Kita ko ang tingin niya sa kabuuan ko. Talaga namang walang lamok sa'min. Hell I would have a skin rash with that.
I sighed. "He punished me okay? I won't tell you the reason. Basta tulungan niyo naman ako.." pagmamakaawa ko.
Liam chuckled. He walked towards me. "Ano bang kailangan mo exactly?"
"I need to know where can I find a restaurant or a supermarket."
Napahawak sa kaniyang baba si Liam. He then looked at me with judgemental eyes. "Yung supermarket ay malayo. Ang pinaka-malapit rito ay wetmarket. Yung restaurant naman na sinasabi mo, malayo rin. Fast food chains lang ang nasa may bayan. Tingin ko kase ay ang hinahanap mo ay five star restaurants."
Nawawalan na talaga ako rito ng pag-asa. I will definitely text my dad. Mamamatay na talaga ako rito.
"Pupunta kaming palengke bukas. Ikaw ang bahala kung sasama ka o hindi." Masungit na saad ni Lucas.
Napahinga ako ng malalim. Sasama ba 'ko? Pero wala na 'kong kakainin!
Nanatili ang mga mata nila sa'kin. Akmang magsusungit nanaman si Lucas kaya inunahan ko na. "Fine!"
"Basta pakain ulit ako ng dinner later ha?" Natatawa kong saad.
Natatawa namang tumango sa'kin si Liam. "Sige.."
Napatalon ako at kumapit sa kaniya. Tinaas baba ko ang kilay. "Crush na kita!"