My boredom started to eat me. Nakatitig lamang ako sa tv pero wala akong maintindihan. Pinatay ko 'to at tumayo upang lumabas.
They said that they will work. I shouldn't bother them but I can't just stay here doing nothing.
Bigla akong napangiti ng may maisip. Si Lucas, I think he's a farmer although it's not that obvious. Siguro doon siya sa nadaanan ko nagtatrabaho. Mainit, kailangan niya ng tubig!
I quickly prepared a bottled water. Lumabas ako at hindi ko na nakalimutan pang magdala ng payong panangga sa araw.
Inalala ko ang dinaanan namin at ilang minutong paglalakad ay natanaw ko na ang bukid. Malawak 'yon kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Ilang hakbang lang ay natanaw ko na ang bulto ng isang tao sa 'di kalayuan. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya.
I saw Lucas. He's face was dripping wet because of his sweats. His blue polo is wet too. Hapit na hapit ito sa katawan niya kaya nakikita ko ang hubog na hubog niyang abs.
I confidently walk towards him. Hindi masyadong malapit dahil maputik. "Hi?"
Agad siyang humarap sa'kin. As usual, magkasalubong ang mga kilay nito at kunot ang noo habang nakatingin sa'kin. "Anong ginagawa mo rito?"
I shrugged my shoulders. "I'm bored. Naisipan ko rin na baka kailangan mo ng water." Itinaas ko ang dalang bote at pinakita sa kaniya.
"Meron akong inumin." Masungit na saad nito.
I just smiled. Ayoko ring magsungit, baka hindi niya 'ko magustuhan. "Still.. take this. Pang extra." Pag-abot ko ng bote.
Sinamaan niya lang ako ng tingin at tumalikod. Hawak ko pa rin ang bote kaya napairap ako. "Fine! I'll just watch you.."
Hindi niya pa rin ako pinansin. Kaya umupo ako sa isang kubo sa malapit.
I know that I'm being maarte sometimes but I don't have any problem with the people who have this kind of job. I actually admired them because of their strength. Nakakaya nila ang ganito kahit kaunti ang sweldo.
Napakunot ang noo ko sa napagtanto. Liam and Lucas looks like they're in middle class. Hindi gaano kahirap. Mas lalong napakunot ang noo ko ng mapagtantong bakit hindi sila ganoon kasunog sa araw?
Liam is not that white pero hindi ko masabing sunog siya sa araw dahil sa trabaho niya. Ganoon din si Lucas. Bakit gano'n?
Pinagmasdan ko siyang nagbubungkal ng lupa. Pawis na pawis ito ngunit hindi niya alintana at patuloy sa trabaho.
Hindi ko alam pero hindi ako nabo-bored habang pinagmamasdan siya. Kitang-kita ko ang hirap ng ginagawa niya kaya napapangiwi ako. Sure akong sasakit ang katawan niya mamaya.
Ilang oras ang nakalipas, medyo malayo na rin siya sa kung nasaan ako. Nakita ko siyang lumingon sa'kin at umayos ng tayo. Kita ko ang paglalakad niya pabalik kaya napaayos ako ng upo.
Hindi niya 'ko tinapunan ng tingin at dumiretso sa jug na nasa tabi ko. Pinagmamasdan ko lamang siya at hindi nagsasalita.
He opened it and suddenly stopped. Nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa'kin sa gilid.
Eh? What's his problem?
Nagsimula na siyang uminom ngunit napakunot ang noo ko ng may mapansin. Bakit parang peke yung paglunok niya?
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Hinablot ko ang jug na hawak na ikinagulat niya. Pagtingin ko ay wala namang laman.
I raised my eyebrow. "It's empty. Anong iniinom mo?"
Kita ko ang pamumula ng tainga niya at inagaw sa'kin ang jug. "N-Naubos ko na."
Bigla akong napangiti ng mapagtanto ang ginawa niya. He's a man with full of pride huh?
"I brought you water. H'wag kanang magsungit at uminom ka na." Natatawa kong saad habang inaabot ang bote.
Kita ko pa rin ang pamumula niya. Hindi niya pa rin kinukuha kaya ako na mismo ang naglagay sa kamay niya. "Here,"
Umiwas siya ng tingin. "Salamat,"
I just smiled. Tinitigan ko siya habang umiinom. I can't deny that he's so attractive. He's one of my types.
"Bakit hindi ka pa umuwi?" Biglaang tanong niya.
Umiling ako. "I don't want there, I'm alone."
Tumango naman ito. Umupo siya kaya tumabi ako sa kaniya. He looked at me. "Ano ba talagang dahilan kung bakit nandito ka?"
Napanguso ako ng maalala. "My Father said that I should learn how I spent my money so he sent me here. You know? Ten thousand lang ang binigay niya sa'kin for a whole week!"
Napakunot naman ang noo nito. "Oh anong problema doon? Malaki na ang sampung libo para sa isang linggo. Kasya nga ang isang libo lang."
"You don't understand. Basta! By the way Luc, can we be friends while I'm here? Please?" Pinagsalikop ko ang palad sa harapan niya.
Hindi niya 'ko sinagot at nanatili lamang ang mata sa'kin. Napabuntong hininga ako. "I can't cook, alam mo na 'yon syempre. Okay lang bang sa inyo na lang ako makikain lagi? Don't worry I'll pay! Friendly kain lang,"
I realized that I'm going to die if I would cook for myself. Baka matagpuan na lang ako nila Dad sa bahay na bumubula ang bibig.
"Tss.." pagsusungit niya bago muling tumayo. Agad din ako tumayo upang pantayan siya. Joke, I'm just a cute size. Kailangan ko pa siyang tingalain.
"Payag ka? Please.. Pretty please?" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi niya 'ko pinansin at nagdire-diretso ng lakad pabalik sa kanina niyang pweseto.
Agad ko siyang hinabol at patuloy na kinakalabit ang kaniyang likuran. I screamed when I slipped. Napapikit ako at hinihintay ang pagtama ng aking mukha sa putik pero hindi 'yon nangyari.
A strong arm pulled me. Napakapit ako sa kaniyang braso upang hindi malaglag. Unti-unti ko siyang tinignan at nakitang madilim ang mga mata nitong nakatingin sa'kin.
"Ang kulit mo," naiinis niyang saad at binitawan ako.
Napangisi ako. "Makulit lang para kay Lucas my loves."
Nakatalikod na siya ngunit bigla siyang napaharap. Mariin niya 'kong tinignan. "Anong tinawag mo sa'kin?"
Walang pag-aalinlangan kong inulit ang sinabi. "Lucas my loves,"
Namula ang mukha niya. I chuckled because of that and pointed him. "Kinikilig ka! You're blushing!" Natatawa kong pang-aasar.
Nakita ko ang pag-angat ng kaniyang labi. Saglit lang 'yon pero nakita ko! He smiled!
"Tumigil ka," masungit niyang saad dahil natatawa pa rin ako.
Tinaas baba ko ang kilay. "Don't be shy to confess Luc. Crush din kita!"
"Tss.. Crush mo si Liam 'di ba?" Pag-irap niya.
God, he's jealous! Omg, he likes me!
"Bawal bang dalawa?" Pang-aasar ko.
Nawala ang ngisi ko sa labi ng bigla siyang humarap sa'kin. His intense eyes directly stared at me.
Walang kumukurap, walang gumagalaw sa aming dalawa at nanatili lamang kaming nakatitig sa isa't isa.
Napalunok ako dahil sa sobrang lapit namin. Nagsimula na ring uminit ang nukha ko dahil sa kaniyang titig.
He then smirk dangerously. "Oo naman.."