Chapter 1

15 2 0
                                    

Chynna's POV

"Welcome back!"

Mabilis akong napalingon sa sigawan na iyon at bumungad sa akin sila Michelle at Fran na kasama ang mga iba pa naming kaibigan. Napangiti naman ako dahil do'n, at saka masayang lumapit sa kanila.

Kakatapos lang ng kaso na hawak namin na halos isa't kalahating buwan namin isinagawa, mas pinili kong bumukod muna sa kanila habang isinasagawa namin ang kasong iyon para mas makapag-focus ako lalo. Kaya gano'n na lang ang pagka-excite ko na makita ulit ang mga kaibigan ko pagkatapos ng one and a half months.

May hawak silang dalawang cake at may purple at gold na kulay ng lobo pa, kaya mahina akong natawa. "Grabe naman 'tong pa-surprise niyo," natatawang sabi ko sa kanila. "May cake pa oh!" sabi ko sabay turo.

"Binili ko 'yang dalawa na 'yan!" sabi pa ni Michelle at nagtaas pa ng kamay kaya natawa ako. "Hati-hati tayo sa isang buo tapos kay Fran lang yung isang buo!" sabi niya kaya nagtawanan kami.

"Bakla ka! Kanina pa kami rito naghihintay! Panay retouch ko na ng makeup ko dahil sa sobrang init!" usal ni Kim, kaya natatawa naman akong napalingon sa kaniya.

"Anong oras ba kayo kasi dumating dito?" natatawang tanong ko sa kanila.

"Umaga teh! Kung makasundo ng maaga akala mo naman afam ang susunduin namin, jusko!" sagot ni Pagaran, kaya malakas kaming nagtawanan at saka sumakay na ng van.

"Wow may van pa ah?! Mukhang nakaluwag-luwag kayo, sino nag-arkila rito?" tanong ko sa kanila nang makasakay na kami.

"Ako!" sagot naman agad ulit ni Michelle. "Mag-aambagan kayo mamaya!" natatawang sabi niya.

"Hala teh?! Sino ba nakaisip ng idea na i-surprise natin si Chynna at magpunta rito?" alma agad ni Fran.

"Ako! Pero pinatos niyo naman, hehehe," sagot ni Michelle.

"Hala! Kuya, stop the van!" sigaw ni Pagaran sa driver nitong van, kaya malakas kaming nagtawanan. "Ang usapan ay susunduin lang, walang ambagan na magaganap! Kuya, I said stop the van!" biro niya pa ulit kaya nagtawanan lang kami.

"Samgyup tayo, gusto niyo?" pag-iiba ni Michelle ng topic.

"Isang daan na lang pera ko!"

"Ayoko! Baka pag-ambagan pa natin ang iisang order pa lang!"

'Yan agad ang lumabas sa bibig nila kaya nagtawanan kami dahil do'n. "Gaga! Libre lahat 'to 'no! Kabadong-kabado naman kayo masyado!" natatawang sabi ni Michelle. "Libre ko na rin ang Samgyup, dahil nakaluwag-luwag ako," natatawang dagdag pa niya.

Sa mga sandaling iyon ay masaya naming sinulit ang oras na magkakasama kami. Sinigurado rin namin na nag-enjoy ang bawat isa sa amin, lalo na't kumpleto na kami.

Natapos ang araw ko na 'yon na masasabi ko sa sarili kong naging masaya ang araw kong iyon. Hindi rin naman ako nagtagal pa ng ilang araw din sa bahay, dahil may mga kaso kaming dapat tapusin din agad. Siguro ay dalawang araw lang ang masasabi kong pinakang naging pahinga ko, dahil iyon lang ang araw na wala akong ginawa na tungkol sa trabaho. Pumunta rin ako nung nakaraan mag-isa sa park para magpahangin, dahil gusto ko rin makalanghap ng sariwang hangin na hindi iniisip ang mga kasong hawak ko.

Akala ko ko pa naman din ay mare-relax ang utak ko sa park, pero mas lalo lang din gumulo ang takbo ng utak ko. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang unang iisipin ko.

Flashback

Dahan-dahan akong naupo sa may bakanteng bench dito sa park at ipinalibot ang tingin sa paligid ko. Halos ako lang ang tao rito sa gawi ko. May tao naman pero sa tingin ko ay isang pamilya lang iyon na apat na miyembro lang at bata pa ang dalawang anak nito.

Still With You (The Untold Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon