Chynna's POV
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko, habang dahan-dahan kong nilingon ang taong iyon na nasa likuran ko.
Nang unti-unti akong humarap dito ay halos lumuwa ang mga mata ko.
Oh my God...
"J-Jandrix..." hindi makapaniwalang usal ko.
Matiim lang niya akong tinitigan at habang nakatitig ako sa kaniya ay biglang nagdilim ang paningin ko at nawalan na lang ako ng malay.
Nang magising na lang ako ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa ospital, base sa amoy at paligid ko.
Kunot ang noo kong pinalibot ang tingin ko. "A-anong nangyari?" biglang usal ko.
"Chynna? Chynna, you're awake finally!" biglang bulas ni Jaxie, at saka ako niyakap ng mahigpit. "You made me worried! See?! Sabi ko naman sa'yo ay sasamahan na lang kita e'! You keep on insisting na 'wag na, look at you!" naiiyak na sabi niya. "Mabuti na lang at bumisita ro'n si Mang Ferdi! Naitawag niya sa akin agad na nawalan ka ng malay sa bahay ni Kuya!" maluha-luhang dagdag pa nito.
Pinakalma ko siya. "Okay na... okay na... I'm fine, see?" sabi ko rito pero halata sa mukha niya na kampante ito.
"Sa susunod, I won't let you say no to me!" sabi nito na parang nagmumukmok. "If Kuya's here, he will scolded me, so you can't say no to me again, next time!" Humalukipkip pa ito.
Dahil doon ay agad kong naalala si Jandrix. Malalaki ang matang tiningnan ko si Jaxie. "S-si J-Jandrix? Nasaan s-siya?" I asked while my hands were trembling and my heart is beating so fast.
She frowned. "K-Kuya...? What about him?" she curiously asked me.
Walang tigil ang bilis ng tibok ng puso ko. He's there! "N-nasa bahay siya kanina, Jaxie! Nagkita kami ro'n! He even hugged me!" kwento ko.
Hinawakan niya ako sa kabilang balikat. "Chynna... si Mang Ferdi lang ang nakakita sa'yo sa bahay ni Kuya. Mag-isa ka lang daw do'n nung makita ka niyang nasa sahig at walang malay..." She hold my hands. "Are you hallucinating again...?" nag-aalalang tanong nito.
I shook my head. "No! I'm telling you the truth, Jaxie. He was there before I lost my consciousness! He even hugged me from behind! He even said that he always missed me—"
"Hindi ba't ganiyan din naman 'yung nangyari nung nakaraan?" putol niya sa sasabihin ko. "It's happening again, Chynna..." nababahalang sabi nito. "Did you stop attending your therapy sessions?" tanong nito. "I told you to see a therapist, there's nothing wrong with consulting a therapist as long as it makes you sane. What's wrong in this situation is you — hallucinating again."
Agad na nangilid ang luha ko. "B-but it felt so real..." lumuluha nang sambit ko. "Feels so real that I could imagine..."
Yumuko sa akin si Jaxie. "But you're making yourself suffer more... at hindi maganda iyon sa'yo dahil buntis ka pa man din, Chynna..." sabi niya sa akin.
Walang imik lang akong umiyak ng mga sandaling iyon, habang niyakap lang ako ni Jaxie ng mahigpit.
Lumipas ang ilang araw din ay pinabalik na ako ni Jaxie sa therapist ko. Habang umuusad ang araw at linggo ay pakiramdam ko, wala namang nagbabago sa akin.
Nag-suggest na rin ang therapist ko na mag-take na ako ng medicines, dahil nagkaka-hallucinations na naman ako. Hindi rin naman ako p'wedeng uminom ng gamot, dahil makakasama iyon sa baby ko, kaya hangga't maaari ay pilit kong tinutulungan na rin ang sarili ko.
Hanggang sa nagdaan pa ang ilang araw ay nakikita ko na rin na kahit papaano'y may progress na rin sa sarili ko. Ngayong araw naman ay napagpasyahan kong bumisita sa headquarters namin, dahil ilang buwan na rin ang lumipas simula noong nakabisita ako rito.
BINABASA MO ANG
Still With You (The Untold Love Series #1)
RomanceStill With You (The Untold Love Series #1) Time for friends and families, work - cases and go with the flow of life is what Chynna's did in her entire existence as what she wants. Everything for her is okay, everything is fine but not until she met...