Chapter 39

2 0 0
                                    

Chynna's POV

Nang makapasok ako sa loob ay naramdaman ko namang nasa likod ko lang si Kyson at mukhang binabantayan ako nito.

Nang makita ko si Michelle ay naka-upo ito sa may hospital bed at mukhang sinusuri niya ang mga nakakabit sa kaniya, lalo na ang tama ng bala niya.

Agad akong naglakad papalapit sa kaniya at nang maramdaman nito ang presensya ko ay agad siyang nag-angat ng tingin sa akin.

Nababahala akong pinagmasdan siya. "M-maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?—"

"A-anong nangyari sa mukha mo?" putol niya sa tanong ko at nagtatakhang pinagmasdan nito ang buong mukha ko.

Pasimple akong napalingon kay Kyson na nasa may pintuan lang at walang imik na nakamasid lang sa amin.

Huminga ako ng malalim. "Ayaw kasi kaming papasukin niyang Kyson na 'yan, kaya... nagpumilit kami saka namin siya inatake," kwento ko sa kaniya. "Ikaw ba? Kumusta ang sugat mo? Masakit ba?" kapagkuwan ay tanong ko naman sa kaniya.

Napangiwi siya nang hawakan nito ang tagiliran niya. "O-oo e'... sabi nung nurse sa akin kanina ay may tahi raw ako, kaya hindi ako p'wedeng masyadong maglilikot. Pero ayos naman na ako," paliwanag niya. "At... kinalaban niyo naman 'yan?" takhang tanong niya habang nakaturo kay Kyson.

Tumango ako. "Three days na simula nung mabaril ka, pero hindi man lang niya kami pinapayagan na bisitahin ka, kaya sapilitan na namin siyang kinalaban, kaso kailangan ng code para mabuksan ang pintuan ng kwarto mo rito sa ospital," paliwanag ko sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay niya. "Sinaktan kayo niyan?" tanong pa ni Michelle.

"Oo, pero hindi naman kasing lala ng kaniya," sagot ko, saka nilingon si Kyson na wala pa rin itong imik.

"Gano'n ba..." tugon lang ni Michelle at saka nito nilingon si Kyson. "Mend your wound," sabi nito kay Kyson, kaya napalingon din ako rito.

Agad namang umayos ng pagkakatayo si Kyson. "But I have to secure your safety—"

"Mend. Your. Wounds," madiing sabi ni Michelle rito. "I don't want to repeat it again. After you mended your wounds, go back here and we'll talk," sabi nito kay Kyson at mahihimigan din ang authority sa boses ni Michelle.

Dahil doon ay agad na lumabas si Kyson ng pintuan, kaya naiwan kaming dalawa rito ni Michelle. Nang mawala si Kyson ay doon lang ako nakampante.

"Grabe! Ang lala nung gagong 'yon!" asik ko.

Mahina namang natawa si Michelle. "Bakit ba ayaw ka niyang bisitahin ako?" tanong nito.

Tiningnan ko siya. "Ako raw kasi ang may dahilan kung bakit ka nabaril, well parang gano'n—"

"Tanga, 'di mo 'yon kasalanan," putol niya sa sasabihin ko, kaya lihim na lang akong napangiti. "Gaga, ikaw ba 'yung bumaril sa 'kin?" ingos niya.

Mahina akong natawa. "Pero sino ba siya? Boyfriend mo ba siya?" takhang tanong ko.

Dahil doon ay malakas itong natawa at napahawak pa sa may tagiliran niyang may tahi at napangiwi pa.

"'Wag kang tumawa! 'Yung tahi mo sa tagiliran, ano ba!" singhal ko sa kaniya.

Mahina na lang iton tumatawa. "Siya ang tanungin mo niyan mamaya, gusto kong marinig ang sagot niya sa tanong mong 'yan," natatawang sabi niya.

Still With You (The Untold Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon