Chynna's POV
Nang makarating ako sa opisina ko ay ipinarada ko na agad ang sasakyan ko sa may parking lot sa labas, at saka inihanda ang payong ko sa paglabas ng sasakyan ko.
Naka-airpods ako ngayon, kaya hindi ko rin alintana ang malakas na tunog ng pagbuhos ng ulan.
Playing: I Don't Think That I Like Her by Charlie Puth
Naging isa na rin ito sa paborito kong kanta, dahil may core memory na rin sa akin ang kantang 'to. Two years ago na rin ang lumipas simula noong marinig ko ang kantang 'to sa paborito kong lugar.
"Ayos ka lang ba talaga? I think you should drink a water," sabi niya sa 'kin at ino-offer na naman ang tumbler niya.
Marahas akong umiling sa kaniya at kahit papaano ay napakalma ko na rin ang sarili ko sa kaka-ubo. "H-hindi na... thank you," mahinang usal ko. Nakakahiya!
Ilang minuto ang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at bigla akong may naalala. Mabilis akong napalingon sa kaniya, na ngayon ay sinusuklay ang buhok niyang basa na ng pawis niya gamit ang kamay niya.
Napakurap-kurap ako sa senaryong iyon na nasa harapan ko ngayon at tinanong na lang siya nang biglang may maalala. "Ikaw ba yung sumasayaw sa may street ng Baguio noon?" takhang tanong ko sa kaniya at mabilis naman siyang napabaling sa akin. "Ahm... one year ago siguro 'yon..." dagdag ko pa at napaisip pa.
Napaisip naman ito, kaya parang doon ko napagmasdan ang mukha niya. "Hmm... siguro?" sagot niya, saka ako nilingon.
"Hindi ba't grupo kayo no'n?" takhang tanong ko sa kaniya.
Tumango naman ito at saka pinunasan ang basang buhok. "It was a group performance by three people," aniya kaya napatango-tango naman ako.
"E' ngayon?" takhang tanong ko.
Umiling ito. "Wala na. Actually I'm just having my alone time here in the park. Akala ko nga ay mag-isa lang ako... may tao pa pala," sabi niya at binuntutan pa ng tawa sa huli.
Mahina naman akong natawa. "Same," sagot ko sa kaniya.
Ilang minuto ulit kaming natahimik na dalawa at ako naman ay napatingin sa langit na makulimlim ngayon. "So... anong title pala nung kanta na sinasayaw mo kanina?" kapagkuwan ay tanong ko. "Maganda siya... suits to your music taste," dagdag ko pa.
"It's, I Don't Think That I Like Her by Charlie Puth."
Kunot ang noo kong nilingon siya. "Referring to someone?" I asked. Curiously. Nag-browse agad ako at tiningnan ang lyrics ng kantang 'yon.
"Nope," rinig kong sagot niya agad. "Just the rhythm."
"I don't think that I like her anymore, Girls are all the same," basa ko sa chorus ng kanta, saka siya nilingon. "Girls are all the same huh?" sambit ko habang nakataas ang dalawang kilay ko.
Napangisi naman siya. "Why?" nangingising tanong niya sa 'kin.
"Not at all, though," sagot ko sa kaniya, saka hindi naiwasang irapan siya.
Natawa lang siya sa 'kin, kaya napatitig ako sa kaniya. "Mukha kang baby," biglang usal ko dahil napnsin ko iyon sa mukha niya. "Baby face I mean..." klaro ko sa kaniya.
Halata namang natigilan siya sa sinabi kong 'yon. Pinaningkitan ako nito ng tingin at saka kumunot ang noo nito. Hindi ko napigilang matawa ng malakas dahil do'n.
BINABASA MO ANG
Still With You (The Untold Love Series #1)
RomanceStill With You (The Untold Love Series #1) Time for friends and families, work - cases and go with the flow of life is what Chynna's did in her entire existence as what she wants. Everything for her is okay, everything is fine but not until she met...