Jandrix's POV
"Aidan is coming. Be nice. If you can't, then go back to your room," I said to Vincentí who's silently drinking his energy drink.
Napailing na lang ako sa inasal nito at saka biglang naalala ulit ang nangyari sa may dining area kanina. Sinilip ko sa loob ang kaibigan ni Chynna na si Michelle na ngayon ay nagtatawanan sila nila Chynna at Fran.
Mahina akong natawa at bumaling kay Vincentí. "You were so obvious earlier, you look like a dumb—"
"Fucker," he cursed at me before he attacks me.
We keep on wrestling on the ground while laughing our ass off when suddenly we heard someone spoke.
"Anong ginagawa niyo?"
Sabay kaming napabaling ni Vincentí sa pinanggalingan ng boses na 'yon at gulat na napatingin kay Chynna na gulat at takha kaming tinitigan. Agad naman akong bumangon sa pagkakaupo sa damo rito at saka umayos ng pagkakatayo.
"We're uhm... we're having a talk," I reasoned.
Chynna looks like she's not believing it, so I just cleared my throat and change the topic instead. "Uhm... where is your friends?" I asked.
Tinuro niya ang loob. "Nandoon sa loob, kausap si Aidan," sagot niya at pasimpleng nilingon naman si Vincentí, kaya napalingon na rin ako rito.
Tumango ako. "Okay, susunod ako ro'n—"
"Hindi... naman na kayo mag-aaway ni Aidan, Vincentí, 'di ba?" putol ni Chynna sa sasabihin ko.
Napalingon naman ako kay Vincentí na halatang nagulat sa tanong ni Chynna, kaya mabilis kong ibinalik ang tingin kay Chynna at ako na ang sumagot dito. "I'll handle him. Mauna ka na sa loob," sabi ko kay Chynna.
"No fights, Jandrix. Kasama ko 'yung mga kaibigan ko," Chynna reminded me and I nodded.
"No fights. Noted," I said.
Vincentí cleared his throat. "But yelling to each other will do—" he didn't finished his sentence when I elbowed him.
Nakita kong bahagyang tumaas ang isang kilay ni Chynna. "It won't happen. Don't mind him," I immediately said to her and she just nodded at me before going back inside the house.
"Tiklop."
Mabilis kong nilingon si Vincentí na nagpipigil ng tawa kaya binatukan ko 'to. "Ipapahamak mo pa 'ko sa kagaguhan mo," asik ko sa kaniya.
He just rolled his eyes at me. "Wala namang label," pang-aasar niya na may accent pa at saka umalis.
Sinamaan ko lang ng tingin ang papalayong bulto nito at saka napapailing na bumalik sa loob ng bahay ko. Nang makarating ako sa may living area ay nakita kong nandoon silang apat nila Aidan, Chynna at 'yung dalawang kaibigan ni Chynna. Nagtatawanan ang mga ito, kaya nang makalapit ako sa gawi nila ay sabay-sabay silang napalingon.
"Bro," nakangiting bati sa akin ni Aidan at saka ako nilapita at nakipag-fist bump.
Nakangiti ko itong tinanong. "Kanina ka pa ba rito?" tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya. "kakarating ko lang, actually," sagot niya at saka kumunot ang noo niya. "So... ano na nga pala 'yung nangyari?" biglang tanong ni Aidan.
"Ay! Sandali lang," biglang usal ni Chynna, kaya napalingon kami sa kaniya.
Pasimpleng tumingin sa akin si Chynna at pasimple nitong sinesenyas sila Michelle at Fran, kaya mabilis kong nakuha ang ibig niyang sabihin. "Private," tipid na sabi ko kay Aidan, kaya agad nitong nakuha ang sinabi ko. "In my private office," sabi ko kay Aidan na agad namang tumango at saka tumayo na sa sofa at sabay na kaming naglakad paakyat ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Still With You (The Untold Love Series #1)
RomanceStill With You (The Untold Love Series #1) Time for friends and families, work - cases and go with the flow of life is what Chynna's did in her entire existence as what she wants. Everything for her is okay, everything is fine but not until she met...