Chapter 29

4 2 0
                                    

Chynna's POV

Tulala akong napalingon nang bumukas ang pintuan ng condo ko. Napatingin lang ako sa pumasok at si Jandrix iyon. May dala itong mga pagkain na mukhang binili niya bago siya pumunta rito sa condo ko.

"Hey," agad na bati niya sa akin nang makapasok siya.

Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya at pinanood siyang inilapag ang dalang pagkain sa may lamesa. "I heard that you're not eating," he said while he's rolling up the sleeves of his polo. "...So I visited you and buy you some foods."

Napayuko na lang ako. "W-wala akong gana... pero salamat," sabi ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot, sa halip ay naglakad siya papalapit sa akin at tumabi ng pagkaka-upo sa sofa. Pilit kong itinutuon ang sarili ko kay Jandrix, pero bumabalik lang ako sa pagkatulala.

Bigla akong nagitla nang biglang ipinatong ni Jandrix ang ulo niya sa balikat ko. "I hate this... seeing you sad," he said in a soft voice. "I'll do anything... just to see your smile again," dagdag pa niya.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at iyon na naman ang ilang gahibla na lang ang pagitan ng labi namin. Bumaba ang mga mata ko sa bahagyang nakanguso niyang labi. Bigla akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at palihim na napalunok.

"O-okay nga lang ako..." pilit na sagot ko sa kaniya, habang pinapakalma ang sarili ko dahil bumibilis ang tibok ng puso ko.

"No, you're not."

Bigla kong naramdaman ulit 'yung lungkot na pilit kong iniiwasan sa loob ng tatlong linggo, simula nung may nangyari. "W-wala kasi akong n-nagawa..." bawat bigkas ko sa mga salitang iyon ay parang may bumabara sa lalamunan ko.

"Shh..." tahan niya sa 'kin at marahan na hinaplos ang kabilang pisngi ko at pilit na tiningnan ang mga mata ko. Tinuyo niya luha ko na hindi ko namalayang nahulog na mula sa mga mata ko. "Wala kang kasalanan, okay...? Hindi ikaw ang may kagagawan nung nangyari—"

"P-pero hindi ko siya naligtas..." putol ko sa sasabihin niya.

Marahan naman siyang umiling. "Because no one expect that it will happen..." sagot niya at saka siya huminga ng malalim. "I hate this..." sabi niya at napailing pa. "I don't want to keep anything from you..." guilt was visible on his voice.

Agad na kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. "Keep anything what, Jandrix?" I curiously asked him.

He didn't answer my question, instead he took something out from his pocket. Mabilis utong nagtipa sa cellphone niya nang makuha iyon mula sa bulsa niya. Itinapat nito sa tainga niya ang phone niya at ilang segundo lang ay bibla nitong inabot sa akin ang phone niya.

Kunot ang noo kong tinanggap iyon at inilapit sa tainga ko ang phone niya. Kunot pa rin ang noo kong nakatingin kay Jandrix, nang biglang may pamilyar na boses na nagsalita sa kabilang linya.

"H-hello...?"

---

"Welcome back, Lt. Col. Villamor!"

Tipid lang akong ngumiti kay Capt. Fernandez na siyang bumati sa akin at nakasaludo pa sa harapan ko ngayon. Diretso lang akong naglakad papunta sa may lamesa ko at naupo agad sa may swivel chair.

Sumunod naman sa akin si Capt. Fernandez. Pasimple pa itong yumuko para lang tanungin ako. "Sure ka ba'ng... kaya mo na? Gen. Ocampo said that you can still take your—"

"Ayaw mo ba 'kong pumasok sa trabaho?" putol ko sa sasabihin niya.

Ramdam ko namang natigilan siya. "S-sure ka?" tanong niya na naninigurado pa.

Still With You (The Untold Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon