Chapter 7

6 2 0
                                    

Chynna's POV

"Hoy!" tawag sa 'kin ni Michelle kaya natauhan ako at naguguluhang napatingin sa kaniya.

"M-may sinasabi ka?" takhang tanong ko sa kaniya.

"Hala siya! Nabingi ka na!" asik niya. "Ang sabi ko, nando'n na sila kaya halika na—"

"H-hindi, hindi na," agad na pigil ko sa kaniya nang akmang hihilain na niya ako.

Agad na kumunot ang noo niya. "Huh? Anong pinagsasabi mo? Halika na! Kanina ka pa namin hinihintay do'n—"

"M-may emergency! Oo, tama! May emergency!" pagdadahilan ko sa kaniya.

Malakas siyang tumawa. "Naboang ka na! Ano 'yang pinagsasabi mo!?" asar niya sa 'kin.

"Hoy teh! Napakatagal mo! Kanina ka pa namin hinihintay do'n!"

Napalingon ako kay Fran na kakarating lang dito sa gawi namin ni Michelle.

"May emergency nga! Kailangan ko nang umuwi," pagsisinungaling ko.

"Ay bakit teh? Anyare?" biglang tanong ni Fran.

Hindi ako agad nakasagot kaya alam ko nang napansin na agad iyon ni Michelle dahil tinitigan niya 'ko, kaya nag-isip agad ako ng ipangdadahilan ko. "M-may e-emergency kasi sa—"

"Sige na, ako na magsasabi sa kanila ro'n na nagka-emergency ka kaya kailangan mo rin agad umuwi na," biglang putol ni Michelle sa sasabihin ko. "Fran, samahan mo na si Chynna sa parking lot, susunod din agad ako," sabi nito kay Fran at saka bumalik na ro'n kila Aidan.

Ako naman ay dire-direstong lumabas ng restaurant at tinungo agad ang sasakyan ko. Alam kong nakasunod lang sa akin si Fran hanggang sa makapasok ako ng sasakyan ko.

"Ano ba yung emergency, Chynna?" takhang tanong sa 'kin ni Fran.

Umiling lang ako. "W-wala..." sabi ko.

Sinabunutan niya ako. "Eme mo, Chynna! Sabihin mo na kasi!" asik niya sa 'kin.

Sinabunutan ko rin siya. "Gaga! Pakialamero ka talaga 'no?!" singhal ko sa kaniya. "Pakialamerong bakla!" asar ko pa.

"Aray! Ang sakit no'n ah?! Para kang tanga teh!" singhal niya sa 'kin.

Tinawanan ko siya. "Parang lang, e' ikaw? Tanga ka talaga, chii. Since birth!" asar ko sa kaniya, kaya hinampas niya ako hanggang sa naghampasan na lang kaming dalawa.

Natigilan lang kami nang may kumatok sa bintana sa may gilid ko. Mabilis kong ibinaba ang bintana ng sasakyan ko sa driver seat at saka takhang nilingon si Michelle na siyang kumatok sa bintana ko.

"Mauuna na pala ako sa inyo. Tumawag sa akin ang Manager ko at sinabing kailangan daw ako sa may departure namin, dahil dalawa lang daw ang Graphic Designer na pumasok," sabi nito.

"Hala! Ingat ka teh, ah?!" sabad ni Fran.

Tumango naman si Michelle, at saka ako nilingon. Mahina ako nitong binatukan. "Susugurin kita sa condo mo bukas ah, kaya maghanda-handa ka na," paalala niya sa 'kin, kaya tinawanan ko na lang siya.

Still With You (The Untold Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon