Chapter 5

7 2 0
                                    

Chynna's POV

"Nasaan na kayo?" tanong ko sa kabilang linya kay Michelle habang nasa loob ako ng sasakyan ko na nakaparada rito sa may tapat ng isang fast food chain.

"Wait! Susunduin ko lang si Fran! Napakapa-importante talaga ni Bakla!" sagot niya sa 'kin sa kabilang linya.

Natawa ako. "Sige na! Bilisan niyo ah?! Mag-isa lang ako rito sa parking lot e'!"

"Oo! Oo! Sige na! Nagmamaneho ako ngayon e'! Bye!" paalam niya sa akin sa kabilang linya, kaya ibinaba ko na rin ang tawag.

Ako naman ay nandito lang sa loob ng sasakyan ko at pinapanood lang din yung mga dumadaan-daan sa labas at inaabangan ang mga taong papasok sa loob ng fast food. Baka kasi nariyan na sila Aidan at makita itong sasakyan ko.

Halos mag-iisang oras na rin ang paghihintay ko nang biglang nag-message si Michelle na nandito na raw sila sa parking lot.

'Anteh ^~^ is calling...'

Nang makitang tumatawag ito ay agad ko namang sinagot agad iyon. "Sa'n kayo?" agad na tanong ko sa kabilang linya.

"Sasakyan mo ba 'yon, Chynna?!" kapagkuwan ay tanong ng isang pamilyar na boses sa 'kin.

"Puta! Isinama ka pa pala?! Dapat iniwan ka na lang sa tabi, Fran!" agad na sabi ko rito.

"Tangina mo, chii! Teka— ikaw ba 'yon?!" kapagkuwan ay tanong naman nito. "Teh! Ayon si Chynna oh! Gagi!" rinig kong sabi ni Fran kay Michelle siguro sa kabilang linya.

Napatingin naman ako sa may harapan ko nang may dumaan ngang pamilyar na sasakyan at nakita ko ro'n si Michelle at Fran na tatawa-tawa, habang si Fran naman ay kumakaway pa sa 'kin.

"Sige na! Ibababa ko na 'tong tawag," sabi ko sa kabilang linya at agad na pinatay ang tawag.

Pagkapatay ko naman ng tawag ay agad din akong bumaba ng sasakyan at inabangan sila Michelle na makapag-parking.

Habang pinapanood ko itong mag-parking ay biglang tumunog ang cellphone ko, kaya agad ko iyon na tiningnan.

Unread messages

'From: Capt. A. Fernandez 🫡

Nandito na kami, Lieutenant Colonel! 😄'

Agad ko naman itong sinagot.

'To: Capt. A. Fernandez 🫡

Papunta na rin kami. Nasa loob na ba kayo?'

Sent!

'From: Capt. A. Fernandez 🫡

Actually, kanina pa hahahahahaha 😅🤣'

Napatakip na lang ako ng bibig ko para mapigilang matawa. Alam ko...

Agad ko itong ni-reply-an.

'To: Capt. A. Fernandez 🫡

Okay! Papasok na rin kami! 🙂'

Sent!

"Ano na?! Nasaan na yung manglilibre sa 'tin?! Tara na! Pasok na!" rinig kong sambit ni Michelle, kaya napalingon ako sa kaniya. Kasunod nito si Fran.

"Gaga! Kanina pa sila nasa loob!" asik ko sa kanilang dalawa.

Natatawang tinuro ni Michelle si Fran. "Tanong mo rito oh! Siya mismo hindi alam kung saan siya susunduin," natatawang kwento ni Michelle.

Still With You (The Untold Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon