Chapter 14

8 2 0
                                    


A/N: Starting from Chapter 14, there will be some two Point of Views of the two main characters in the upcoming chapters.

•••

Chynna's POV

"Upo lang kayo. Magpe-perform pa kasi yung dalawa kong kaibigan e'," sabi ni Aidan sa amin kaya naupo kami rito sa VIP area na occupied daw nila or table nila.

Agad naman kaming nagsi-tabihan ng upo nila Fran, Michelle, Pagaran at Kim. Si Aidan naman ay may kinausap lang saglit at bumalik na rin ito sa 'min.

"Drinks? Gusto niyo?" tanong sa amin ni Aidan.

Takha ko namang nilingon sila Michelle at umiling sila. "Mamaya na siguro. May hihintayin pa ba tayo?" takhang tanong ni Michelle.

Tumango si Aidan saka ngumiti. "Hihintayin ko pa kasing matapos mag-perform yung mga kaibigan ko sa stage. Mag-uumpisa pa lang sila actually, kaya if may gusto kayong inumin na liquors, kuha na lang kayo ro'n. Libre na 'yan," sabi niya sa amin.

Gulat naman kaming napatingin sa kaniya. "Libre? As in?" gulat na tanong ko.

Natatawang tumango naman si Aidan. "Pinasabi ko na kasi ro'n sa bartender na libre kayo, kasi ako ang nag-invite sa inyo rito."

"Ang ganda nitong narentahan niyong Bar, ah? Buti nakapag-rent kayo rito para sa event niyo, Kuya?" biglang sabad naman ni Fran.

Umiling naman si Aidan. "No. Hindi namin ito nirentahan, sa kaibigan namin ito. Pero mas preferred niya na sa amin itong magkakaibigan," kwento ni Aidan na napakamot pa sa batok.

Kaming lima naman ay gulat na napatingin kay Aidan na ngayon ay parang nahihiya sa sinabi nito.

"Ay kabog!" tili nila Fran, Pagaran at Kim.

"Oh, mga bakla?! Ano pa ang ginagawa ninyo?! Libre raw ito lahat ni papi Aidan! Tara na't lumaklak ng alak!" tili ni Fran kaya agad na tumayo yung tatlong mga bakla at pumunta na sa may front bar.

Habang kami naman ni Michelle ay gulat lang na napatingin kay Aidan.

"Kung gano'n... anong ganap sa event na 'to?" takhang tanong ni Michelle kay Aidan.

Nakangiwing ngumiti si Aidan kay Michelle. "H-hindi ko rin alam... get together siguro?" nakangiwing sagot ni Aidan.

"Mga mayayaman talaga..." mahinang sambit ko na napailing pa.

"Ano? Hindi ba kayo kukuha ng drinks niyo?" tanong sa amin ni Aidan. "Ikukuha ko kayo kung gusto niyo—"

"Aidan!" naputol sa pagsasalita si Aidan nang may biglang tumawag sa kaniya, kaya napalingon kaming tatlo ro'n.

Agad na lumapit si Nix at Finn kay Aidan para batiin ito, at saka napalingon sa amin at binati rin kaming dalawa mi Michelle.

"Chynna!" nakangiting bati ni Finn sa 'kin at saka nakipag-fist bump. "You look good tonight!" puro pa nito.

Naiilang na ngumiti ako sa kaniya. "Salamat," nahihiyang pasalamat ko sa kaniya.

Still With You (The Untold Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon