Tagpuan

26 0 0
                                    

"Tagpuan"

Naghihintay ako sa tagpuan, kung saan tayo'y nakalaaan
Habang isinusulat ang nobelang aking pinag-isipan
Tama lang ba na pag-isipang mabuti na isulat ito?
Simula noong una na ang ating landas ay nagtagpo
At umabot na sa ating pag-iibigang binuo.

Mga pangarap na ating sabay na pinlano 
Ay 'sing hinog ng manggang matamis
Iyong mga ngiting kasing tamis nito
Na ngayo'y hinahanap na ng mga sabik kong mga mata.

Sa aking nobelang binubuo
Ang mga pangako ay naririto
Na sabay nating tinupad pareho
Ngunit Isang pangako lamang ang napako.

Nanatiling magkahawak ang ating mga kamay
Hanggang sa dulo
Hanggang sa pagtatapos ng ating kwento
Pagka't bigla ka nalang bumitaw at naglaho.

Nasa gitna pa lang tayo ng ating kwento
Iniwan mo naman ako ng bigo 
Iniwan mo naman ako ng walang paalam
Iniwan mo lang ako ng hindi man lang alam ang dahilan.

Nangungulila sa iyong halik at yakap
Na animo'y hindi na muling mahahanap
At sa kahuli-hulinang mga pahina
Ang aking gustong isulat ay umuurong, na para bang gusto nalang ipag-paliban.

Sa nobela ko nalang ba tatapusin ang naudlot na masayang katapusan?
O ihahanlintulad ko sa aking karanasan?
Ang iwan nalang ng bigla
At luhaan.

Pero heto ako
Nagbabakasakaling ika'y bumalik sa ating tagpuan
Kahit hindi na posible 
Umaasa pa rin at ikaw lang lagi.

At sa huling pahina
Isinusulat ko sa masayang wakas
Na sana'y atin man lang nagawa

Kahit man lang sa libro
Ako'y inyong hayaan
Na maging masaya at walang sakit na dinarama
Kahit man lang dito
Tayo'y nagkasama sa katapusan ng ating kwento.

















Escape from Reality.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon