"Lihim na Pagtingin"
Ako lang ba ang taong nanatili na umaasa sayo?
Umaasa na baka isang araw ako'y iyong mapansin,
Ang hirap umamin ng tunay nararamdaman mo,
Dahil natatakot ka na baka isang araw ika'y umuwi ng luhaan.
Ang hirap pigilan ng pusong nagbabakasali,
Nagbabakasakaling ika'y maging akin,
Subalit, Alam kong naman may iba kang gusto,
Sino ba naman ako para pigilan ang iyong puso.
Sandali, Tatanungin ko lamang ang aking sarili,
Anung meron sa kanya nasa akin ay wala?
Kiro't hapdi ang aking nararamdaman,
kapag ang aking atensyon ay napunta sa inyong dalawa.
Ewan ko nga ba,
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganito ang aking inaasta,
Alam ko, wala akong karapatan magkaganto,
Masakit para sa akin na makita kang may kasamang iba.Pinipilit kong ipaitindi sa sarili ko, Na dapat ko itong Labanan,
Sapagkat, alam kong sa puso mo wala ang aking pangalan,
Ni hindi mo nga ako matignan, Kahit nga ako'y kausapin ay ika'y naiilang,
Na parang ako'y isang virus na ayaw mong lapitan.
Siguro nga'y oras nadin na ika'y aking tantanan,
Pasensya na ako'y nagmahal lamang,
Mas magiging masaya ako,
Kapag nakita kong ika'y maging kuntento sa piling ng iba.
BINABASA MO ANG
Escape from Reality.
ŞiirMay mga tao talaga sa mundo na nanatiling nakakubli sa dilim, May mga bagay na mahirap ipaliwanag, Lalo na pag walang may nais na makinig. Ang mga tulang mababasa ninyo ay punong puno ng mga emosyon. Humanda na kayo dahil ang aking panulat ay handa...