Pinagpalit

14 0 0
                                    

"Pinagpalit"

Masakit pero kailangan ko padin kumapit,
 Kasi ayoko ng muling mahulog sa mga lalaking mapanakit.

Ako, ang dating pinapagpalit,
sinaktan ng Paulit-ulit,
Pero, umulit. 

Masakit,Masakit,
Hindi ko alam kung bakit ko piniling sumubok ulit,
 Magbigay ng pangalawang pagkakataon hindi ko naman pinagkakait.

 Saba'y nating binabalikan ang mga masayang alala,
 Noong nasa kalagitnaan palang tayo ng ating pagmamahalan,
 Akala ko'y magwawakas tayo ng masaya,
 Ayun pala, ako'y iyong muling pinagpalit.

 Pinagpalit mo ako ulit  sa malapit,
 Pero bakit mo ako mamahalin ng Paulit-ulit,
 Kung ako'y iyo lamang sasaktan ulit,
Hindi paba naging sapat ang aking pagtitiwala? 

TANDAAN MO ITO!
Ako man ay iyong sinaktan,
Pakitandaan na ako'y hindi nagsisisi sumubok muli,
 Pakitandaan din simula ngayon,
Paki punasan na iyong sariling luha,
 Dahil ngayon hindi mo na ako muling makikita pa.



Escape from Reality.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon