Paglisan

14 0 0
                                        

"Paglisan"

Sa oras na ika'y mang-iwan,
Huwag kanang mag-abalang balikan,
Ang ating Pinagsamahan,
Kung  ako lang ulit ang masasaktan.

Hindi ko na kayang umiyak ng paulit-ulit,
Ang salita mo noon,
Hindi ko na kayang pang-hawakan,
Dahil ang aking kamay ay agad mong binitawan.

Antayin nalang natin ang oras,
Na unti-unti tayong mag-kalimutan,
Upang palayain na ang sakit na matagal ng nararamdaman.

Huwag ka ng bumalik,
Kung ang aking puso ay iyong pinapasakit,
Huwag kana mag-abala,
Dahil tayong dalawa ay wala ng halaga.

Kaya kung hahanapin mo ako,
Huwag na, dahil tapos na tayo,
Huwag na, dahil wala na tayo,
Hindi ko na magagawa pang bumalik,
Sapagkat, ang pag-ibig ko'y sayo ay di na babalik. 









Escape from Reality.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon