"Crush"
Nagsimula sa mata,
Pumasok sa dibdib,
Tumambay sa isip,
At naging bukang bibig,
Kaya sa huli naging pag-ibig.
Natatandaan ko pa ang araw noong una mo akong kinausap,
Hindi ko naman kasi akalin na magugustuhan kita,
Dahil sa iyong mga ngiti,
Ang dati kong malungkot na Mundo,
Binigyan mo ng kulay ito.
Makita lang kita sa eskwelahan ayos na ako,
Palihim kitang tinitignan,
Kinakabahan na baka'y mahuli mo ako,
Pero, Minsa'y hindi ko maitago ang aking kilig kapag ang ating mga mata'y nagtagpo.
Hindi ko man masabi sayo ang totoo kong nararamdaman,
Pero lagi mo sana'ng tandaan,
Na kahit hindi ako ang maging dahilan ng iyong mga ngiti,
Ay Mas matutuwa ako kapag iyan ay aking nasilayan.
Hindi ko na nanaising umamin,
Dahil simula pa lang ng laban ay ako'y walang ng laban,
Pero, Tanggap ko naman na tayo'y malabo,
Malabo na magkatotoo ang mga imahinasyong nasa isip ko na naglalaro,
Bahala na Basta masaya ako,
Mananatili ka lang sa puso't isipan ko.
Pagmamasdan na lamang kita sa malayo,
Tatanggapin kita ng buo,
Magiging masaya ako ng walang pagaalinlangan,
Kahit na walang tayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/318934828-288-k83092.jpg)
BINABASA MO ANG
Escape from Reality.
PoetryMay mga tao talaga sa mundo na nanatiling nakakubli sa dilim, May mga bagay na mahirap ipaliwanag, Lalo na pag walang may nais na makinig. Ang mga tulang mababasa ninyo ay punong puno ng mga emosyon. Humanda na kayo dahil ang aking panulat ay handa...