Ulan

13 0 0
                                        

"Ulan"

Maraming may ayaw sayo,
Dahil ika'y nakakasira ng plano,
Hindi na nila magawa ang kanilang gusto,
Dahil ika'y naririto.

Mga taong ginustong manatili nalang sa loob ng bahay,
Hanggang sila'y makaramdam ng umay,
Para ka nilang isusumpa habangbuhay,
Dahil ika'y bumuhos ng walang pantay.

Hindi ka nila pinapahalagahan,
Dahil dala-dala mo ay kalungkutan,
Minsan mo na ngang sinira ang kanilang lupain,
Aasahan mo pa bang gusto kanila masilayan,

Bakit ako lang yata ang natutuwa,
Sa pag-dating mo ako'y namamangha,
Ika'y aking titignan mula sa aking bintana,
Sa unang patak ay gusto ko ng mabasa.

Bakit ako ganito,
Ika'y aking gusto kahit ang iba'y ayaw sayo,
Palagi akong naghihintay sa pagdating mo.

Gusto kita hanggang dulo,
Kahit ayaw sayo ng mundo,
Ako'y sigurado,
Diko nga alam kung paano, siguro pareho lang talaga tayo.

Pareho na gusto magparamdam,
Pero ni minsan ay hindi pinakinggan,
Wala na nga talaga silang alam,
Ginugusto lang nila tayo kapag tayo'y napapakinabangan.

Siguro ganyan talaga sila,
Hindi makikita ang halaga,
Hanggang tayo ay wala na,
Wala ng maibuhos pa.

Ako at ang ulan ay pinagtapo pero kami'y may hangganan,
Kahit ano man ang kakahantungan,
Wag nyo sanang Pagsisihan kapag ang "ULAN" na inyong inaayawan,
 Ay bigla na lamang hindi nagparamdam.







Escape from Reality.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon