"Pagsubok"
Naranasan mo naba,
Naranasan mo naba na maramdaman ung sakit,
Na akala mo'y Walang katapusan,
Sandali, wag mo muna akong lagpasan, Subalit ako muna'y pakinggan.
Naranasan mo na bang umiyak na hindi nila alam,
Yung Akala nila ay ikaw ay laging masaya,
Yung Akala nila ay ikaw ay Okay lang,
Pero hindi nila alam ang iyong totoong nararamdaman.
Oo nga naman, Paano nga ba nila malalaman,
Kung ako'y hindi man lang nagsasalita,
Hindi sila manghuhula,
Upang kanila'y hulaan ang aking Nararamdaman.
Paano ka nga ba makakausad kung ang mundo ika'y pinipigilan,
Mahirap itago ang sakit na iyong nararamdaman,
Gusto mong kumausap ng tao, Subalit ika'y walang kaibigan,
Wala kang balikat na masandalan.
Hindi mo maiiwasang umiyak,
Kung ito talaga'y masakit na,
Yung tipong pati ang sarili mo ay iyong nakakalaban,
Masakit kapag umabot ang araw na ang iyong emosyon ay hindi na makontrol.
Sabi nila, Pagsubok lang yan, Malalampasan mo din yan,
Paano naman kung ang pag-subok ay ayaw akong lubayan,
Paano naman kung ang pag-subok ay hindi ko man lang malampasan,
Pwede bang ako'y inyo munang pag-bigyan.
Ako'y inyong pagpahingahin muna,
Ako'y inyong hayaan muna maging masaya,
Pangako, Sa susunod na mga pahina,
Ako'y Magpapatuloy.

BINABASA MO ANG
Escape from Reality.
PoesiaMay mga tao talaga sa mundo na nanatiling nakakubli sa dilim, May mga bagay na mahirap ipaliwanag, Lalo na pag walang may nais na makinig. Ang mga tulang mababasa ninyo ay punong puno ng mga emosyon. Humanda na kayo dahil ang aking panulat ay handa...