Magic 29: [Mirmine 'Power of??']

491 12 14
                                    

A/N: Please. Forgive me for long time no update. Actually may 5 chapters na akong i-publish sana kaso nadelete silang lahat kaya ayun, nawalan na ako ng gana mag update :( kasi ang hahaba ng mga na-type ko dun tapos mawawala lang. Pero dahil sa ang daming nagrerequest at message sakin BTW THANK YOU SO MUCH PALA :))) Nabuhayan akong mag update ulit. Sorry kung maiksi lang nasa work pa kasi ako eh. Mag type ako mamaya pag-uwi :))).

Enjoy!

Magic 29: [Mirmine 'Power of??']

Abreena's POV

"HEAD MASTER?!"

"W-what's the meaning of this?" hindi makapaniwalang tanong ni Aquarie.

"A-ang Head Master ay... Lolo mo...." Tanong ni Lander.

Hindi ko sila pinansin at tumingin lang kay lolo. "Bakit po kayo nandito?"

"Gusto ko lang makita kung gaano ba kayo kahanda. Pero sa tingin ko, kailangan niyo pa ng konting ensayo." Sabi niya.

"Urgh. Wait. Mind if someone explain to us what's going on?!" Inis na sigaw ni Aquarie na naguguluhan.

"Slow." Psh. Sabi ko.

"What?!"

"He's my Grandfather, Isn't so hard to understand Aquarie?" Matamlay na sabe ko. Hindi naman ako mataray talaga pero sa puntong ito wala ng oras para magpaliwanag. Dahil sa maguguluhan sila sige na nga ipapaliwanag ko na

"Stop. I'm here to say something important." Napatingin kaming lahat kay lolo.

Walang nagsasalita sa'min at inaantay lang ang mga susunod na sasabihin niya. "We need to find the "Goddess of 4 elements as much as possible." Makahulugang sabi niya.

"Goddess of 4 elements?" I asked. Ano yun? Weird.

"Yes. Kailangan nating maunahan ang Dark Wizard sa paghanap sa kanya."

"Pero bakit?" Lander's asked. Bakit nga ba? Bakit kailangan naming maunahan ang Dark Wizard?

"Kailangan natin siyang makita sa lalong madaling panahon. At mapapanig sa'tin." Wala ng nagsasalita sa'min. At nakikinig lang kay lolo.

"Dahil kung hindi na'tin magagawa iyon at makuha siya sa'tin ng Dark Wizard..." pagtigil ni lolo sabay tingin sa'kin.

"Mamamatay tayo." Malamig na sabi n'ya. Naramdaman ko kung paano dumapo ang sobrang lamig na hangin sa katawan ko na dahilan upang lamigin ako.

Natahimik ang buong paligid at bukod tanging hangin lang ang maririnig.

Napatingin ako kay Fritz, halata mong nag-iisip siya ng malalim. Ano kayang iniisip niya?

"What is Goddess of 4 elements?" Naramdam ko na napalingon sila sa'kin pero hindi ko na lang pinansin iyon at inantay ko ang sagot ni lolo.

"SHE can control all of your powers. Take note ALL."

"SHE? A girl?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fritz.

"Yes, based on my research. She's a girl. Katulad niyo, nabigla din ako ng malaman ko yon. I can't even imagine na babae siya."

"The power of Water." Bahagyang napalingon si Aquarie.

"Power of Earth." Tumingin si lolo kay Lander na ngayon ay nakatingin sa ibaba na wari'y nag-iisip kung ano ang dapat gawin.

"Fire." Halos bulong ni lolo pero sapat lang para narining naming apat.

"And lastly the Air." Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang kinakailangan nga namin na mahanap siya agad agad. Lahat ng kakayanan namin kaya niyang kontrolin. Ganun ba siya kalakas? To think na lahat ng elements nakokontrol nya.

"Don't worry guys. Based on my research hindi pa niya kayang kontrolin ang mga iyon. Kaya wala pa muna tayong dapat ipangamba." Parang biglang nagkaroon ng liwanag sa'ming apat.

"Pero..." pahabol pa nito.

"Dapat pa din nating siyang makita agad." Nagkatinginan kaming apat na wari'y akala mo nagkakaintindihan kami sa mga tinginan na iyon.

"Stay here until next week." Lahat kami napatingin kay lolo ng nakakunot ang noo.

"Hindi pwedeng sa Academy kayo mag-ensayo gamit ang mga powers niyo. Mas maige ng dito para kahit na saang sumabog ay wala namang masasaktan at masisira." Tama si lolo. Mas okay ng dito para kami kami na lang at walang madadamay.

"Gawin niyo lahat ng makakaya ninyo. Please. Sa inyo nakasalalay ang buong Academy lalo na ang buong mundo." Ang hirap. Sobrang hirap. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung magagawa ko bang makatulong sa mission na ito.

"Apo..." Napatingin ako kay lolo dahil sa pagtawag niya sa'kin.

"I trusted you. I know you can do it." Si lolo talaga. Nababasa nga pala niya ang iniisip namin. Pilit akong ngumiti sa kanya bago sumagot. "Ofcourse. I can. I'm your Grand-daughter right? Kaya alam kong makakaya ko." Nakita ko na may bakas na pagkabigla sa mukha niya pero napalitan agad iyon ng isang ngiti.

"After that, tyka na kayo bumalik sa Academy kapag alam niyo ng kaya niyo na." Walang sumagot sa'min at ilang saglit pa lamang ay nawala na na parang bula si lolo. Umalis na siya. Umalis na sila.

Nagkatinginan kaming apat.

"What's our plan?" I asked.

"Di ko alam." -Lander

"Tssss." -Aquarie.

"Let's start this." Napatingin kami kay Fritz pagkasabi niya nun sabay tumayo siya at tumingin sa'ming tatlo.

"Don't waste our time to think. Ang mahalaga dapat magpractice na tayo. Inaasahan tayo ni Head Master lalong lalo na ng mundo."

I smiled to myself. We started our practice. Wala kaming sinayang na oras. Laging sumasagi sa isip na ano kayang mangyayari kung sakaling hindi namin makombinse ang 'Goddess of 4 elements'?

***

THIRD PERSON'S POV

Maraming mga papeles na inaasikaso ang Head Master ng minsang may kumatok sa opisina niya.

*Tok tok*

"Come in." Sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa kaniyang ginagawa.

"May panibago pong nagtransfer." Dahil don ay napatigil ang Head Master at tumingin sa babaeng papasok sa kanyang opisina na may dala dalang papel.

Inabot ng dalaga ang papel sa Head Master. Bago tatakan iyon ay nagsalita muna ang Head Master.

"So you're Mirmine?" He asked.

"Yes."

"Uhm. Unique name." Napangiti lang ang dalaga. Napatingin ang Head Master sa orasan at nanlaki ang mata niya sa kanyang nakita dahil sa tumatakbo ang kanyang oras ay agad niyang tinatakan ang papel don at hindi na nagtanong pa. Binigay niya kung saang room papasok ang dalaga.

Lumabas na ang dalaga at sinarado ang pintuan. Bago tuluyang maglakad papunta sa kanyang room ay binasa na muna niya ang room na pupuntahan.

"Special Magic?"

Hinanap niya ang room na iyon, hindi nagtagal ay natagpuan niya ito. Bago siya pumasok rinig na rinig niya ang maiingay na boses sa klaseng iyon.

Pumasok siya sa loob at biglang nagsitahimik ang mga tao. Kaya lumingon siya sa likuran niya kung may nakita bang kung ano sa likuran niya na dahilan upang tumahimik sila ngunit wala namang siyang ibang nakita kundi ang kanyang sarili lamang.

Umupo siya don sa pinakadulo dahil walang nakaupo don. Baguhan lang siya kaya walang kumakausap sa kanya.

"Hi." Lapit sa kanya ng isang babae.

"Hello."

"I'm Anjeng and you are?"

"Mirmine."

"Oh. Unique uh."

"What power?" Tanong sa kanya dahilan para mapangiti siya ng lihim at hindi sinagot ang tanong nung dalaga.

***

To be continued...

Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon