Ramdam ko yung kamay niya na humawak sa may batok ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko yung nangyayari sa amin. Dahil doon napatingin ako sa kanya.
"B-baka kasi malaglag ako." sabi niya habang nakatingin pa din sa baba.
"I will never let you fall, I'm always here to catch you even if I get hurt."
-
Magic 19: [Who's Behind the mask?]
Jhenka's POV
Nandito kami ngayon ni Hans Sa kwarto as ussual nagbabasa na naman siya lagi naman eh, wala ng bago doon.
Nakahiga ako sa kama ko, maaga pa naman kaya ayoko pang matulog. I look at the clock and it's already 9:28 in the evening and Abreena's not around.
Saan na naman kaya nagsusuot yung babaeng yon? tsk. hindi pa naman siya magaling kung saan saan na nagpupunta.
"Hans, napansin mo ba si Abreena?"
May inipit siya doon sa binabasa niya bago niya isarado at sumagot "Ikaw? napansin mo ba?" balik tanong niya.
Kumunot ang noo ko "Hindi eh."
"Hindi mo pala napansin eh, natural hindi ko din napansin kita mong parehas tayong nandito tapos tatanungin mo ko." boset to ah! Nagtatanong ng maayos eh! mood wings siguro!
Sumimangot na lang ako at pumikit hayaan mo na nga maya maya naman siguro uuwi na din yun kapag napagtripan niya. Aba subukan niyang magpaabot ng curfew.
Sht!? ano to!?
agad akong napatayo dahil sa mga nakita ko at napalingon sa akin si Hans.
"Okay ka lang?"
"si Abreena!!" sigaw ko at tumakbo na agad ako palabas ng dorm. Narinig kong tinatawag ako ni Hans pero hindi ko na siya pinansin kailangan ko siya mahanap bago pa may mangyaring hindi maganda!
Nakita ko na muntikan na siyang mamatay dahil sa gagawin niya. Hindi ako sigurado kung ano ang naisip niya pero nasisiguro ko na hindi yon maganda.
Kanina pa ako nag-iikot sa school na to halos mag 30 minutes na! Patay ayan na ang curfew pero wala akong pakielam. Sht Abreena nasan ka na ba!?
Nakarinig ako ng isang malakas na tunong mula doon sa may kanang banda. Tumakbo ako papunta doon, lalapit sana ako pero napansin ko nandoon sa may kabilang gilid si Fritz.
Anong ginagawa niya dito? Napatingin ako doon sa tinigtignan niya. Kaya pala .. Kaya pala siya nandito ..
Nakita kong papalapit na si Lander doon kay Abreena at binuhat niya ito paalis pero hindi ko alam kung saan sila pupunta. Napansin ko din na nandito na si Aquarie. Ano naman ang ginagawa ng isang yan dito!?
Nagpasya na akong umalis. Wala naman na kasing dahilan para magstay pa ako doon tyka sa itsura pa lamang nila Fritz para kailangan na nilang mag-usap ni Aquarie.
Kasalukuyan akong patungo sa dorm ng mapatigil ako sa may tapat ng pintuan.
'Jhenka? Hans? naririnig niyo ba ako?'
Pamilyar ang boses na iyon. Parang ako lang ang nakakarinig kasi tumingin ako sa paligid ko kung may iba pang tao pero wala naman. Kaya nanahimik muna ako at inantay ang susunod na sasabihin ni Lander.
BINABASA MO ANG
Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]
AdventureYung minsan ka ng nangarap na sana magka POWERS ka. kasi parang ang ASTIG di ba? tapos ang galing galing pa. nagagawa mo lahat ng gusto mo. Pero Paano kapag isang araw nalaman mo na nga lang na may POWERS ka? matutuwa ka kaya? o maiinis? dahil malal...