Magic 13: [This is it]

1.3K 35 0
                                    

Magic 13: [This is it]

Abreena's POV



Agad kong pinatigil ang Tornado Blade nanghihina na ang katawan ko kaya bigla na lamang akong bumagsak sa malamig sa semento.



"Urgh!" ang sakit! Nakita ko na nakatingin pa din sa akin si Ricks. Ngumiti ako sa kanya. Nakatulala pa din siya sa akin at napatingin naman ako sa katawan ko.



SHT. Nakaputi nga pala akong damit at puting short na medyo may kahabaan. Doon ko lang napansin na naging kulay dugo na ang mga ito.Ramdam na ramdam ko na pa din ang dugo na dumadaloy sa braso ko at bewang. Buti na lang at hindi malalim ang napinsala sa pisngi ko.



"I'm okay don't worry." bakas kasi sa itsura niya na nag-aalala siya sa akin.



Pinipilit kong tumayo para ulitin ang ginawa ko. Sa kabutihang palad ay nakakayanan ko pa siya.



Lumulutang ulit ako sa ere at sinimulan ko na ang dapat kong gawin. Medyo nagiging maayos na din ang nangyayari sa ginagawa ko. Kaya lamang ay hindi pa din maipagkakaila na may dapat pa akong matutunan. Hindi ko ito mapagalaw ng maayos lagi na lang nakakawala sa mga palad ko.



Natapos ang buong araw ko na paulit-ulit ko iyon ginagawa dahil na rin sa minsan ay nagkakamali ako. Nagpasalamat ako kay Ricks. Ihahatid pa sana niya ako kaso tumanggi ako, masyado ko na siyang naabala at sabi ko na kailangan na din niyang magpahinga.



Nagtungo ako sa dorm namin. Pagod na pagod ako tumingin ako sa orasan 11pm na pala kaya tulog na tulog na yung dalawa.



Naligo ako. Habang naliligo ako hindi ko maiwasan ang mapaimpit na sigaw



"Urgh!" ang sakit ng mga natamo kong sugat sa iba't ibang parte ng katawan ko. Ayoko naman na magpagaling kay Kiel kasi nahihiya na ako sa kanya lagi ko silang naaabala.



Matapos ko maligo ay nagbihis na ako at humiga sa kama ko. Bago ako matulog napaisip muna ako .



'Bukas na. Bukas ko na malalaman kung anong mangyayari.'



Magagawa ko kaya? Makakaya ko kayang kontrolin?



Napailing na lang ako dahil halos lahat ng mga nasa paligid ko ay sinasabi na hindi ko iyon makakaya dahil napaka imposible.



Medyo nanghihina na din ang loob ko idagdag mo pa na masakit ang katawan ko. Pumikit na ako.



'Bahala na bukas.' tuluyan na akong nakatulog.





Third Person's POV



Hindi napapansin ni Abreena na may nagmamasid pala sa kanya mula sa malayo.



'Bilib din ako dito sa babaing ito. Ang laki ng tiwala sa sarili' sa isip isip ng binata.



"Nakakamangha talaga siya. Kahit na napa-imposible ng gusto mong mangyari, nagpapatuloy pa din siya." nagulat ang binata sa nagsalita. Si Lander.



"What are you doing here?" tanong ng binata.



"I think I'm the one should ask you that, What are you doing here? Because in the first place, Head Master instructed me to follow her."



"Tsk." umalis na lamang ang binata.



Balak sana ibigay ni Fritz ang bote na ibinigay sa kanya ni Kiel nung nakaraang araw upang magamot agad ang mga sugat nito.



Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon