Magic 25: [Superman ng buhay ko Part 3]

986 25 0
                                    

A/N: lahat po ng naka ITALIZE means FLASHBACK! :)

Magic 25: [Superman ng buhay ko. Part 3]

Jhenka's POV



"H-hindi ... n-nagkakamali k-ka .... HANSSSS!!!!!" sigaw ko at sinubukan ko siyang habulin pero ...





"Jhenka ..." hinawakan niya ako sa braso, tinabig ko iyon.





"ANO!? MASAYA KA NA BA VENCH!? PATI SI HANS BA NAMAN!? WALA KA BA TALAGANG KASING SAMA!?" leche naman oh!! Lahat na mawala wag lang ang unang naging bestfriend ko...







"Hindi ko gustong marinig niya ..."







"TAMA NA!!" tinulak ko siya sa abot ng makakaya ko, tumakbo na ko para habulin si Hans ...







lumingon lingon ako sa paligid ko, pero hindi ko siya naabutan. Napayuko na lang ako sa sobrang frustration.







Napa-close fist ako, gusto kong pumatay ng tao, gusto kong saktan lahat ng makakasalubong ko. Naging masama ba ako para parusahan ako ng ganito? May nagawa ba akong mali sa iba para magdusa ako?







Vench ... Napaka sama mo... demonyo ka ... ganyan ka ba talaga? lahat na lang gagawin mo para maging miserable ako?







Papasok ako ngayon sa room namin, late na nga ata ako eh, kasi naman nahuli ako ng gising kaya ayon, nalate na. bahala na nga.







Pinapakiramdam ko muna kung nagsisimula na sila sa loob, pero mukhang hindi pa kasi ang tahimik nila. Pagpasok ko sa loob"Jhenka!!"







*Splash!!!*





"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"





"Poor Little girl." naririnig ko ang mga tawanan nila, kung paano nila ako pagtawanan.





Kilala ko kung kanino nagmumula ang boses na yon "Sa susunod kasi pipili ka ng kakalabanin mo! MALANDI!" sabi pa niya at sinipa ako bago umalis.





Naiiyak na naman ako. "Jhen..." nararamdaman kong lumalapit siya.





"M-masaya ka na ba?" sabi ko habang nakayuko. Siya lang ang bukod tanging tumatawag sa'kin ng Jhen at minsan lang niya ako tawagin sa pangalang iyon.





"H-hindi ko sinasadya ..."





Tumakbo na ako palabas ng room namin pero nahagilap niya agad ang braso ko.





Nagtataka siguro kayo no? Pwede ko naman malaman kung may mangyayari sa'kin masama o wala. Pero nung mga panahong iyon, hindi ko pa alam kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko kaya wala pa akong nalalaman na kahit ano.





Pumunta ako sa may parang play ground ng school na to. Madalas iyon ang takbuhan ko kapag ay problema ako, kasi wala naman akong ibang pwedeng lapitan.





Bata pa lang ako madalas na kong awayin ni Vench. Dahil sa kanya kung bakit naging miserable ako. Naging imperyo ang buhay ko sa school na to. Pero simula ng dumating si Hans, naging okay na ulit ako.





Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon