Magic 4: [My Dorm mates]

1.8K 44 0
                                    

***

bahagya siyang napatawa bago sumagot "demonyo agad ... di ba pwedeng yon kase ang powers mo?" agad akong napatingin sa kanya ...

oo nga noh? yun nga ba ang powers ko?

"wala ka bang naaalala kanina?" tanong niya ..

kanina? ano bang dapat kong maalala? Meron nga ba?

-

Magic 4: [My Dorm mates]

Abreena's POV

"ang naaalala ko lang kanina parang nasa isang bilog na bola ako na puno ng tubig. yun lang wala na." sabi ko. napakunot naman siya ng noo. bakit kaya?

"ano nga palang nangyari? at paano ako napunta dito?" tanong ko sa kanya. sa pagkakaalala ko kasi ay hindi na ako makahinga tapos wala na nag BLACK OUT NA!

"wala naman, wag mo ng alalahanin yon. gusto mo na bang pumunta sa dorm mo? medyo gabi na rin kasi." tumingin ako sa bintana. oo nga mejo gabi na din. tumayo ako at lumabas na. nakita ko naman siya na naglalakad din at sinusundan ako. buti naman at medyo okay na siya. akala ko kasi makakapatay na ako kanina. Nakakatakot naman kung iyon ang powers ko.

lalabas na ako sana ng pintuan ng Dorm niya pero ...

"Hindi ka pwede dumaan dyan." sabi niya. edi hindi pwede. tumungo ako sa bintana.

"anong gagawin mo?"

"sabi mo bawal ako sa pintuan dumaan eh di dito ako sa bintaba dadaan." eh wala naman ibang choice eh. Nakita ko naman siyang napatawa.

"Reniel.." biglang may lumabas doon sa may pintuan.

wow. ngayon ko lang napansin na may tatlong pintuan pala dito. so hindi pala siya nag-iisa.

lumabas yung tinawag niyang Reniel kanina ...

"what?" sabi nito.

"hatid mo naman siya sa Dorm niya." sabi nung lalaking tumulong sakin

pero teka ... kanina pa kami nag-uusap tapos hindi ko siya kilala. psh!

"teka, ano ba pangalan mo?" tanong ko don sa lalaking tumulong saakin.

"kanina pa tayo nag-uusap tapos hindi mo ako kilala? paano pala kung stranger ako?" he chuckled.

"psh! pangalan lang ang tinatanong ko ang dami mo pang sinasabi." sagot ko
"Lander pangalan ko."

"Ikaw si Abreena di ba?"

"Waaaaait!!? Paano mo ko nakilala!?" eh sa hindi ko siya kilala tapos kilala niya ako.

"Sikat ka eh. kaya kilala kita. Tyka nagpakilala ka na sakin kanina. Nakalimutan mo na naman agad." sikat!? ako!? Nagpakilala na ako? Kelan. Ah! Oo nga! Naalala ko na.

"sikat? ako?" sabay turo ko sa sarili ko.

"oo, dahil sa nangyare kanina sa inyo ni Fritz." ano daw!?

"nangyare!? SAMEN!!? MAY NANGYARE!!!? OHMAYGADDD!!! BAKIT HINDI KO ALAM!!!?" shemay!!!  wala na!!!may nangyare na saamen!!!.waaaaah. WALA NG PERLAS NG SILANGANAN KOOOOOO!!!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Narinig kong tumawa yung dalawa. okay anong nakakatawa!!?

"NAKAKATAWA PA KAYO D'YAN!!" HUHUHUHU.

ANG BAD PO NILA..

"walang nangyare sa inyo. I mean yung eksena niyo kanina sa Cafeteria." ahhh. oo nga naalala ko na. yung lalaking pogi na suplado na galit sa mundo.

Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon