Payne
"Saan ka galing?"
Napatigil ako sa pagtatanggal ng sapatos nang bumungad sa harapan ko si Kaylee. Nakacross-arms, salubong ang kilay, at halatang masama ang timpla.
Mas pinili ko na manahimik na lang muna. Pagod ako ngayon at sumasakit pa ng husto yung talampakan ko dahil sa ilang oras na kakalakad para lang kilalanin lahat ng mga personalidad na sinabi ng Mommy nito na kilalanin ko daw.
That darn woman.
Kung hindi lang ito magulang ni Kaylee ay baka matagal ko na iyong sinagot-sagot at sinabihan ng hindi magagandang salita para lang tigilan ako. Halatang-halata naman kaso yung pagkadisgusto nito sakin kahit pa yung anak nya naman mismo yung ayaw din naman sumunod sa kanya.
"I am asking you, Payne. Saan ka galing? I've been here for four hours! I've been calling you since then pero nakaoff yung phone mo!" Mataas na yung boses ni Kaylee ng magsalita ulit.
Naririnding napapikit na lang ako. Matapos ilagay ng maayos sa rack yung ginamit kong sapatos ay dire-diretso lang ako sa loob ng unit at nilampasan ito.
"Sobrang hirap ba magsalita!?" Naiiritang sinundan ako ni Kaylee.
"I'm working, 'Kay. Rest your case. Not today. I just want to rest." Tinungo ko yung dining para makakuha ng inumin. Feeling ko malapit na akong madrain.
Tila lalo lang itong nagalit sa sinagot ko. "You weren't in the office, Payne! Wala kang schedule sabi ni Marge. You've been out the whole day!"
"Gosh, 'Kay! Why are you always checking my schedule!? Sayo lang ba ako nagtatrabaho? Hawak mo ba yung buong buhay ko? Damn it. " I raised my pitch a little high. Nakakainis yung pagod ka na nga tapos ganito pa yung dadatnan mo pagkauwi mo.
Tumalim yung tingin nito sakin. Halatang galit.
"So you have another job aside from the one I gave you?"
I took an empty glass from the glass rack and filled it with water.
Mas mabuti siguro na huwag muna kami mag-usap ngayon dahil pareho kaming pagod at hindi maganda ang timpla. Baka pag sinagot ko pa ito ay tuluyan lang kaming mag-away.
Bahala sya magsalita ng magsalita.
"What is it this time, Payne?" Sumandal sa kitchen sink si Kaylee bago ako pinakatitigan ng matagal. Dumako yung tingin nito sa suot kong hapit na dress na alam kong paborito nitong suot ko.
I caught how she slightly winced and looked away as if the thoughts that are running on her mind had hurt her.
Nakaramdam naman ako ng guilt doon. Alam ko kung anong iniisip nito.
"I am not back on my previous job Kaylee, if that's what you're thinking." I clarified after sipping the water in my glass. It's ironic na kanina uhaw na uhaw ako pero ngayon na hawak ko na yung baso ng tubig, hindi ko naman iyon mainom dahil pakiramdam ko ay sisikmurain ako.
Umiling ito. "You're starting to lie, Payne."
"I am not lyi—"
"Sabi mo nasa trabaho ka. You've got no other job aside from the job you have with me. Ain't that lying?" I could even feel the distaste in Kaylee's voice as she speaks. "What's so hard in telling the truth, Payne? Mahina ba akong umintindi para sayo?"
Napahinga ako ng malalim. Paano ko sasabihin dito na yung magulang nito yung dahilan? Knowing Kaylee, she's too egotistical and protective. Tiyak na aawayin nito yung Mommy nito pag sinabi ko yung totoo. At kapag nangyari yon, mas lalong hindi ako magugustuhan ng Mommy nito para dito. How would I gain her trust kung simpleng bagay lang na pinapagawa nito ay para na akong bata na magsusumbong agad kay Kaylee?
BINABASA MO ANG
Honne; Tatemae
Romance"No! Stop!" I could see her fading silhouette. She keeps on walking away just like the way I dreamt of her every night. 'No! Please don't walk away. I need to see your face. I need to know your name. I need to find you.' But I know that it wasn't en...