Payne
"Go home."
"Damn!" napamura ako nang muntikan pa akong matamaan ng pintuan nang malakas na isarado iyon ni Aki. "Hoy, Akira! Muntikan na mabura yung mukha ko. Buksan mo nga 'to!"
Wala akong narinig na kahit ano mula sa loob ng unit nito kaya sunod-sunod na kinalampag ko yung pintuan. Nang hindi makuntento ay sinipa ko pa iyon ng malakas.
Kaso sumakit na lang yung paa ko kakasipa pero ang hinayupak na Aki na iyon ay wala yata talagang plano na pagbuksan ako.
"Tch!"
Siguro nasa mood na naman ito na gusto lang nito mapag-isa. O baka nagtampo talaga nang bigla akong lumayas sa bahay nya matapos kong ipagpilitan yung sarili ko dito nung nakaraang naghiwalay kami ni Kaylee.
That's the problem with her. She's getting a hard time dealing with abrupt changes. Lalo na pag nakasanayan na nito yung ganoong set up.
I can't blame her though. Ako itong makulit nung una na tumira sa kanya pagkatapos nang makaisip ng paraan na gumanti kay Kaylee ay bigla ko na lang itong iniwan. Kaya hayan, ayaw na ulit ako tanggapin sa loob ng bahay nya.
"Hoy, Aki!" Kinalampag ko ulit yung pinto nya. Malakas yung loob ko dahil alam kong solo naman nito yung buong unit ng building ng gallery nito kaya walang maaabala sa panggugulo ko dito. "Doon ako sa rooftop matutulog. Pag naawa ka, dalahan mo ko ng kumot at unan ha? Saka pagkain na din kung meron ka. Gutom na ko."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa ito. Alam ko kasi na hindi din naman ako nito matitiis. Kahit naman ganoon ito na tila laging walang pakialam ay masyado naman itong malambot sa mga taong pinapahalagahan nito. And I am lucky that I am one of the people she truly cares about.
Maybe someday I could repay all of the kindness she's always giving me.
Tinungo ko yung emergency exit para makaakyat sa rooftop deck. Hindi naman umuulan kaya siguradong masarap tumambay doon ngayon. Kaso siguradong mamayang madaling-araw ay sobrang lamig na.
A wide smile formed my lips as I push the door. Hindi talaga marunong maglock ng pinto nito dito si Aki. Lagi talaga nitong iniiwan na bukas yung lugar na ito para may mapuntahan ako pag kailangan kong huminga sa dami ng problemang iniisip ko.
"Why can't I just fall in love with her? It will be easier."
Aki and I met when she was on her lowest point. She was a neglected child when her foster parents had their own son. At kahit pa nga naging matagumpay naman itong nakapagtapos ng pag aaral at nakakuha ng latin honors, hindi pa din dito ipinagkatiwala yung mga negosyo nila.
For her foster parents, their family business is a legacy to protect by their own blood. Kahit nga palubog na lahat ng negosyo nila ay hindi naisipan ng mga iyon na lumapit kay Akira. Except Dewei.
Dewei knows he lacks the knowledge and capability to handle an empire. Lalo pa at mga Calvry yung kalaban ng mga sa iisang industriya. So he hired Aki to be his consultant. In less than a year, he managed to afloat their businesses. Stable at least. Lahat ng hard work at pagpapaplano ay nanggaling kay Akira pero si Dewei yung nakinabang ng lahat ng papuri at pagkilala.
So unfair. But if Aki is fine being the shadow of her brother, I guess its fine. Ganon yata talaga yung role ng mga orphan na gaya namin. Pero okay na din iyon dahil kumita naman si Akira sa shares nito sa negosyo ng pamilya nila kaya napagawa nito yung building para sa dream gallery nito at pangarap nitong bahay.
Lumapit ako sa railings at tumanaw sa ibaba.
The city lights are so fascinating to watch. Mula dito sa taas ay tila lang sila mga langgam na nakikisabay sa nagmamadaling pag-ikot ng mundo. And I am here on top, staring at them. Admiring how I could take my time to just watch everyone from afar, with no sense of time.
BINABASA MO ANG
Honne; Tatemae
Romansa"No! Stop!" I could see her fading silhouette. She keeps on walking away just like the way I dreamt of her every night. 'No! Please don't walk away. I need to see your face. I need to know your name. I need to find you.' But I know that it wasn't en...