Chapter 15

3.7K 340 169
                                    

Payne

"Wrap up! That's enough."

Mula sa pagtitig sa harap ng camera ay napakurap ako ng ilang ulit ng marinig iyon. The continuous flashes of the cam made me sure that my reactions at the sudden call was perfectly captured.

Maging yung photographer at lahat ng nasa set ay biglang natigilan. Napalingon sa kung sinuman na naglakas ng loob na patigilin kami.

There she is again. Standing so mighty as if she owns everything and everyone inside this room. Lalo na ako.

Just Kaylee's puppet. Such a label that no one will dare to mess with.

"Miss Montello, this is for the weekly's photoshoot release in our partnership with one of the leading magaz—"

"I don't care." This time ay bakas na yung inis sa boses ni Kaylee nang lumapit. Mula sa mga rack ng damit sa gilid ay kumuha ito ng coat at saka inis na ipinatong sa balikat ko. "I clearly told you not to take this project.   Ibinigay ko 'to kay Tris. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" gigil na bulong nito na sapat lang para marinig ko.

Pigil ko yung sarili ko na mapasimangot lalo pa at madaming tao ngayon dito na alam kong pasimpleng nakikiusyoso sa amin.

Sa tinagal-tagal ko ng nagtatrabaho dito ay ngayon lang naglakas loob si Kaylee na lumapit ng ganito. Noon kasi ay hinahayaan lang niya ako. Madalas nga ay sa bahay lang kami nagkikita. O kaya naman ay ipapatawag lang ako nito kay Margaret para pumunta sa opisina niya.

So what's this sudden play?

"Reschedule the photoshoot with Tris." Kalmadong sabi na ni Kaylee nang humarap sa photographer at floor planner. "I need the original copies of this shoot. Oras na may lumabas na kopya nyan, lahat kayo tatanggalin ko."

Bago pa ako nakapagsalita ay hinatak na ako ni Kaylee palayo doon. Sa higpit ng kapit nito sa braso ko, sigurado ako na away na naman ang kahihinatnan nito.

Goodness! This relationship is becoming more toxic every single day.

I know na controlling si Kaylee. Masyadong perfectionist. Ayaw ng nasasabihan. Gusto lagi na ito yung nasusunod. But I still believe na hindi naman nito igigiit yung gusto nito lalo na kung alam nitong hindi naman para dito yung mga desisyon ko.

Heck! This is too much! So humiliating!

Napapikit na lang ako nang mapansin yung mga tingin ng mga tao sa aming dalawa habang tinutungo yung pribadong opisina nya. Nandoon yung pagtataka. Pero mas lamang sa mga iyon yung tingin na nang-uuri. Lalo pa sa suot ko ngayon at sa paraan nang paghatak sakin ni Kaylee ngayon.

I look like a woman that had been caught for her infidelity by her partner. In everyone's eyes, ako yung mali dito kaya galit na galit si Kaylee na halos kaladkarin na ko.

"You do really enjoy pissing me off, no?" Nang makarating sa opisina niya ay saka lang ako nito binitiwan. Halos patulak pa nga.

I took a deep breath. "I am not doing that, 'Kay. Sinabi ko na sayo that I'll take all the projects that will come on my way. Ako yung pipili ng gusto at ayaw ko. Hindi ikaw."

"Damn it!"

Control, Payne. Control. Maunang mawala sa kontrol ang natatalo.

Tinanggal ko yung suot kong coat na ipinangbalabal sakin kanina ni Kaylee at saka ibinato iyon sa couch.

Inangatan lang ako ng kilay ni Kaylee habang pinag-aaralan ang bawat galaw ko. "Seducing me is your resort to calm me down?"

Umupo ako sa couch. "I am not trying to calm you down, 'Kay. Do it yourself. Sobra ka na. I am not your puppet."

Honne; TatemaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon