Kaylee
"What's this again, 'My?" Inangat ko yung envelope na ipinadala nito kanina sa opisina ko at ibinato sa sofa. "Will you please stop it? Kahit anong paninira pa yung gawin nyo kay Payne, I won't believe it!"
"Kaylee!" mabilis na sita din ni Kuya Leo na napatayo mula sa pagkakaupo sa couch. Halatang nagulat na dire-diretso lang ako pumasok ng pribadong opisina nito dito sa bahay para lang makipag-away kay Mommy na kasalukuyang kausap nito.
"Not this time, Kuya." I raised my hand in mid-air to stop him. "I need to talk to Mom right now bago pa ako mabaliw sa mga pinaggagawa nya samin ni Payne."
"Not with that tone, young lady."Tumiim yung anyo ni Kuya Leo na halatang nagbabanta.
At alam ko na yung mga gaya nito na sobrang mabait yung mahirap galitin at suwayin. Kaya kahit labag sa loob ko ay pilit ko din na kinakalma yung sarili ko.
"Mommy sent those files into my office." Itinuro ko yung envelope na ibinato ko. "I don't need that. I don't believe that. Hindi ko alam kung anong meron at madaming pumapasok na pera sa account ni Payne galing sa lintik na high-end club na yan but I know that it's clearly a set-up." mariing giit ko na tiningnan ng masama si Mommy.
I know how my mother can pull some dirty tricks under her sleeves sometimes. I know because she's doing that sa mga exes ni Mom noon.
At kahit anong saway dito ni Mom na wag kaming pakialaman ni Payne ay panay pa din lagi ang puna nito pag nakikita nito si Payne.
Minsan tuloy ayaw ko na isama si Payne sa bahay sa mga family dinners and gatherings kasi alam ko na pag-iinitan na naman ito ni Mommy. At kahit hindi nagsasalita si Payne sa mga patutsada nito, alam ko naman na nasasaktan iyon. Ayaw lang nito maging bastos kay Mommy.
"Why don't you ask Payne about it, Lee?" umangat yung kilay ni Mommy na kalmanteng humalukipkip pa sa harapan ko. "Natatakot ka ba na aminin nya na isa sya sa mga babaeng ibinebenta sa lugar na yan?"
"That is in Greece!" mariing pagdidiin ko. "Sa tagal namin ni Payne, dalawang beses lang sya pumunta sa lugar na yon para sa international endorsements nya, 'My. How can you explain that?"
"Kasama ka ba nung dalawang beses na yon, Lee?"
Natigilan ako. Nung dalawang beses na pumunta doon si Payne ay tanging mga modelo lang din at yung promotional team yung kasama nito. Nung una kasi ay may big break si Tris at kinailangan ko iyong samahan. Nung pangalawa naman ay naipit ako sa convention na in-attend-an ko para magproxy kay Mommy kaya hindi na ako nakasunod.
"No." Lumunok ako. Pilit na itinatago yung kaba na baka nga may punto si Mommy. "Payne won't do that. Hindi nya kailangan ng pera. If she needs it, she can always ask for it and I'll give it."
This time ay si Mommy naman yung tumango-tango. Gaya ng dati, kalmado pa din tingnan yung itsura nito na akala mo ay hindi kayang magalit o mainis. Ang kakatwa pa ay ngumiti pa ito ng matamis na para bang pinagtatawanan ako.
I hate how she's good in playing emotions like this.
"Ask her, Kaylee." ikinumpas nito yung daliri nito sa hangin. "Sigurado ako na pag tinanong mo sya, hindi nya iyon itatanggi sayo. Honest si Payne mo, hindi ba?" nanunuyang dugtong pa nito.
"Why are you doing this, 'My?" Hindi ko na napigilan na itanong.
Gusto kong tuluyan na magalit dito. Yung umalis sa poder nito at lumayo kaming dalawa ni Payne para hindi na kami guluhin nito. Pero sa tuwing iisipin ko na baka hindi makatulog si Mom sa pag-iyak gabi gabi pag umalis ako ng bahay, tila naman ako jell-o na lumalambot sa ideya na iyon.
BINABASA MO ANG
Honne; Tatemae
Romansa"No! Stop!" I could see her fading silhouette. She keeps on walking away just like the way I dreamt of her every night. 'No! Please don't walk away. I need to see your face. I need to know your name. I need to find you.' But I know that it wasn't en...