Chapter 33

3.9K 352 110
                                    

Payne

"It's all done." I whisper in thin air as the door of Aki's unit opens.

Pero imbes na mukha ni Aki yung mabungaran ko ay ibang mukha yung bumungad sakin.

A man with a five foot and ten inches tall frame. He is surely intimidating with his deep-penetrating eyes that runs up and down my body as he is scrutinizing the visitor that rings their doorbell at this wee hour.

Napasulyap pa ito sa relo nito na para bang sinisigurado yung oras.

"It's two o'clock in the morning. How rude of you." matalim yung tingin na ipinupukol nito sakin lalo pa at halatang nagising ito dahil sa ingay ng doorbell.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi ito pasadahan ng tingin.

Fine. He has broad shoulders. A muscular built na halatang athletic at alaga sa gym o di kaya naman ay regular na nagwowork out. Halatang halata dahil wala naman itong pang-taas na damit at tanging shorts lang ang suot. Thank goodness, not a boxer one. Ang kakatwa pa ay kusang nagiging visible yung muscles nito sa bawat galaw nito.

Apparently, kahit yung mukha nito ay hindi din nagpapatalo. He also has a grim look on his face. A five o'clock shadow. Pangahan na mukha. Matangos na ilong. At daig pa ang babae sa natural na pagkapula ng labi. At kung aura lang ang pagbabasehan, siguradong sigurado ako na kamag-anak ito ni Aki. Parehong may ere.

"What do you need?" Basag nito sa katahimikan.

Napalunok ako ng ilang ulit bago pasimpleng ipinilig yung ulo ko. Ayoko mag-isip ng kung ano. Hindi naman ito lalaki ni Aki, hindi ba?

"Where's Aki?"

Itinuro naman nito yung loob ng apartment. "Inside." Ilang sandali pa itong natigilan na para bang pinag-aaralan kung sasabihin ba nito o hindi. Itinukod pa nito yung braso sa hamba ng pinto. "She's having a hard time lately so she asked me if I could sleep over while I'm staying here in the city."

Sa narinig ay agad naman akong nakaramdam ng pagkabahala. It's not normal for Aki to ask for someone's presence. Lalo na at ayaw na ayaw nitong naiinvade yung privacy nito.

Mas gugustuhin pa niyon na mag-isa kesa humingi ng tulong sa iba.

"What's wrong? Kumusta si Aki?"

Nagkibit-balikat lang ito. "She's already asleep. Thanks for the pills. I'm monitoring her sleeping patterns."

Itinulak ko ito pagilid para makapasok ako sa loob ng unit. I need to make sure that Aki is safe.

"You know it will be better if aalis ka na at hindi muna magpapakita sa kanya."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig iyon.

How could he say that? Kilala nya ba ako?

"I'm Dewei." Inilahad nito yung palad nito. "We've met before. I'm not sure if you remember me but I remember you."

Umangat yung kilay ko matapos abutin yung palad nito. Dama ko pa yung marahang pagpisil nito sa kamay ko. Pagkatapos ay saka lang binitawan.

"I'm really not sure if bakit ikaw yung tatawagan ni Aki para magpunta dito. Very unlikely." nagdududang tiningnan ko ulit ito mula ulo hanggang paa.

Alam ko kasi na hindi naman close ang mga ito at tanging nag-uusap lang dahil sa negosyo ng pamilya nila na si Aki nga ang nagdedesisyon at ito naman yung humaharap sa mga tao.

"We're siblings. Malamang ako talaga ang tatawagan nya." umangat pa yung sulok ng labi nito na para bang nanunuya. "Why? Were you expecting that she'll call you instead?"

Honne; TatemaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon