Kaylee
"Payne?"
All I could see is the silhouette of the woman standing at the corner of the room. At kahit madilim, sigurado ako na nakaharap ito doon sa labas at tinatanaw yung nagkikislapang ilaw mula sa panggabing ilaw ng buong syudad.
It's Payne's past time. Watching the dancing city lights with amusement. Watching the passing cars. Thinking about what the people across the streets are doing. She likes that.
Madalas ay ginagawa lang nito iyon pag pagod na ito sa nangyayari sa buhay nito. O kaya naman ay pag may bagay itong pinag-iisipan ng mabuti. Something that's most likely life and death situation.
Ramdam ko yung panlalamig ng kamay ko habang kinakapa yung switch ng ilaw sa kwarto. Pero bago ko pa iyon mahanap ay napatigil na ako nang marinig na magsalita ulit ito.
"Can you leave the lights off?" Mula sa tumatamang sinag ng buwan ay naaninag ko yung seryosong mukha ni Payne nang lingunin ako. May hawak pa itong kopita ng alak sa kanang kamay. "I like to do it this way."
Napalunok ako. Kung kanina mga kamay ko lang yung nanlalamig. Ngayon yata buong katawan ko na.
"Is anything amiss? May problema ba?" humakbang ako patungo sa couch para mailapag ko doon yung bag ko.
I heard Payne heave a deep sigh. "May sasabihin ka ba sakin, Kaylee?"
I felt my eyes tearing up. Gusto kong magsalita at sabihin dito kung anuman yung mga problemang inaayos ko sa ngayon dahil pagod na pagod na ako. Gusto kong magsumbong dito. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko kay mommy. Gusto kong sabihin dito yung mga masasakit na salitang sinabi ni Tris. Gusto kong umiyak at sumubsob sa balikat nito. Gusto ko yumakap.
Kahit ngayon lang. Pwede naman siguro akong maging mahina di ba?
Kaso walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Nakakamanhid din siguro yung sobrang sakit. Yung nasanay ka na lang kasi paulit ulit na.
Nang lumipas ang ilang minuto na nanatili lang akong tahimik na nakatingin dito ay ito na mismo yung nagpasyang bumasag ng katahimikan.
"Kung wala kang sasabihin, ako marami." Tumawa pa ito ng mapakla. Alam ko na mauuwi na naman iyon sa away at tampuhan. "Madami. Sa sobrang dami halos ayoko ng simulan. Napapagod na ako habang iniisip ko pa lang."
"Payne, can we talk about it tomorrow? Can I at least have a rest with you here tonight? I just had too much lately. Pwede bang pahiram muna ako ng braso mo? Bukas mo na lang ako awayi-"
"I want out." She whispered with conviction as she cuts me off.
Sa sinabi nito ay napahawak ako sa kalapit na sofa bago pa ako tuluyang matumba.
Did she just say that she wants out?
Out?
I was expecting na mang-aaway lang ito. O kaya ipopoint out lang nito na hindi na naman ako sumasagot ng tawag. O hindi na naman nagsasabi kung anong gagawin ko sa buong maghapon.
But out? Did she really mean that she wants to break up with me?
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
Narinig ko pa yung mahina nitong pagmumura na para bang kahit ito ay nagulat sa mga katagang lumabas sa bibig nito. Kahit naman siguro sino.
"Payne?" I asked again. This time ay naglakas-loob na akong lumapit dito. Kung anuman yung problema, hindi iyon masosolusyunan sa paraang naiisip nya. "Ano bang problema?"
"I want out, 'Kay. Ayoko na. Pagod na ko. Sawa na ko."
Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko pagkarinig niyon.
BINABASA MO ANG
Honne; Tatemae
Romance"No! Stop!" I could see her fading silhouette. She keeps on walking away just like the way I dreamt of her every night. 'No! Please don't walk away. I need to see your face. I need to know your name. I need to find you.' But I know that it wasn't en...