Payne
"Anong gagawin natin dito, Payne?" Takang tanong ni Kaylee nang huminto kami sa tapat ng mataas na building. "Dito tayo sa harapan kakain? Ang pangit dito." pagkasabi niyon ay tila naiiritang sumimangot pa ito.
"Shhh." mahinang bulong ko at saka inabot dito yung hawak kong mga paperbags ng take out na pagkain namin.
Sinipat ko muna yung lugar kung saan may dalawang guards na nakatayo sa magkabilang gilid ng entrance ng katapat na building. Nagyoyosi ang mga ito habang nagkukwentuhan.
"May gallery sa loob ng building na yan. Pwede tayo tumambay doon after natin kumain sa rooftop."
Sumulyap sa saradong building si Kaylee at inangat yung wrist nito. "Alam mo ba kung anong oras na, Payne? Malamang sarado na yan. Patay na nga mga ilaw, oh!"
"I know." Sumulyap ako ulit sa direksyon ng mga guards. "That's why we'll just sneak at the back."
Umawang yung labi nito. "Hoy, Payne! Oo, sinabi ko na gusto ko ng thrill. Pero hindi ko sinabi na okay lang sakin mag-akyat building gang. Mamaya mabaril tayo dyan at mapagkamalan pang magnanakaw. Ayoko! Tiyak na maeeskandalo ng husto sila Mommy."
"Kilala ko naman yung may-ari ng gallery dyan."
"Bakit hindi mo tawagan at sabihin na aakyat tayo? Why do we even have to sneak in?"
"Nandyan lang yon sa gallery nya sa taas natutulog." Hinatak ko yung kamay ni Kaylee patago sa pader nang mapansin na lumingon sa gawi namin yung isang guard. "Saka wag ka nga maingay. Pag nahuli tayo, hindi na masaya."
"Pag nabaril tayo, hindi talaga masaya." umismid pa ito. Bagamat at gaya ko ay nakitago din naman ito sa gilid ng pader para hindi makita. Buti na lang at wala ng ilaw dito sa gawi namin at walang poste na malapit kaya hindi talaga kami makikita kung hindi talaga lalapitan.
"Bakit mo ba naiisip na pag nahuli tayo, babarilin agad tayo? Hindi mo ba alam na hahabulin lang naman tayo ng mga yan? Sixty percent ng mga security guards, hindi ganoon ka-trained bumaril. Baka nga yung iba hindi pa nakakabaril. Nakahawak, oo. Pero gumamit? Nah."
"Paano mo naman nasabi? You don't know them. My bodyguards are well-trained in man-to-man combat and shooting range. And they won't have a problem shooting anyone if they stepped in our territory without notice. You could get anyone killed for trespassing and get away with it. It's practically acceptab—"
"Saka ka na maglecture, Mare." Hinatak ko yung braso ni Lee para makaikot kami sa likuran ng building. "Kung mahuli man tayo, sinisigurado ko sayo na hindi tayo mababaril dito."
"Payne!"
"Sshh." I motioned her to keep silent.
Walang nagawang tahimik na sumusunod na lang ito sa bawat hakbang ko.
Nang makaikot kami sa likuran ay mas lalo akong nakampante. Mas madilim kasi dito sa parteng ito ng lugar at hindi ka mahuhuli dahil sa harapan lang naman may CCTV.
Inangat ko yung panglimang paso ng malalaking halaman. Aki still leaves her key at the same spot.
"There you go." Iwinagayway ko pa kay Kaylee yung susi.
"Paano ka naman nagkaroon nyan?" puno ng kuryosidad na lumapit ito habang binubuksan ko yung metal lock ng pintuan.
I motioned her to keep her mouth shut. Tumalima naman ito at sumunod.
Napangiti ako ng malapad nang marinig yung mahinang click ng nabuksang pinto.
"Go in." mahinang bulong ko.
BINABASA MO ANG
Honne; Tatemae
Roman d'amour"No! Stop!" I could see her fading silhouette. She keeps on walking away just like the way I dreamt of her every night. 'No! Please don't walk away. I need to see your face. I need to know your name. I need to find you.' But I know that it wasn't en...