CHAPTER TWO

139 15 87
                                    

"MISS Kiara Guanzon? Ito na po'ng order n'yo!"

Nag-angat ako ng tingin mula sa full focused na pagta-type sa keyboard nang may magsalita sa tabi ko. Nakasimangot na mukha ni Zeph habang hawak sa isang kamay ang platter ng order kong strawberry cream slushy at chicken pesto pasta ang bumungad sa akin.

Inayos ko ang suot na reading glasses at sinuri siya ng tingin. He was wearing his signature barista uniform—a black snapback and a linen waist apron. Underneath it was his black trousers and short sleeved white button down shirt—na tinaasan ko ng kilay kasi nakabukas ang tatlong butones nito, revealing a part of his well-toned chest.

Pagkalapag ni Zeph ng order ko, kunot-noong umupo siya sa tabi ko at nakisilip sa screen ng laptop. Humarap naman ako sa kaniya and leaned closer to close a button of his shirt.

"Kaunting ka-wholesome-an lang po, sir," nakataas pa rin ang kilay na sabi ko nang mag-angat ako ng mukha. Pero wala yatang kaso iyon kay Zeph kasi hindi nagbago ang expression ng medyo singkit na mga mata niya.

"I've told you a million times before, bawal ang pagtatrabaho sa shop ko kapag weekend, 'di ba?" This time salubong na ang may katamtamang kapal na mga kilay niya. "I want to remind you that today's a Saturday."

"Pass muna tayo d'yan, p'wede? Don't worry, next time tatambay ako rito para lumamon. Kailangan ko lang talagang tapusin 'to. Saka dapat nga matuwa ka. At least, kumita ka pa rin dahil sa 'kin ngayong araw," magaang sabi ko saka siya nginitian nang pagkatamis-tamis.

Pero hindi convincing ang palusot ko kay Zeph. Seryoso pa rin kasi siyang nakatitig sa akin. Although nagtagal lang iyon ng ilang segundo kasi mayamaya ginulo niya ang buhok ko—particularly my newly cut bangs!

Mahina ko siyang minura. Tawa lang ang naging response ng loko saka bumalik sa counter.

Seconds passed, na-conscious na nilibot ko ng tingin ang paligid ng L'espresso. Nahiya ako bigla dahil baka may customers na nakarinig sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing busy pa rin ang diners ni Zeph sa kani-kanilang ganap. Saka malakas na nagpi-play sa background ang Photograph ni Ed Sheeran kaya siguradong safe ang bad words ko.

Napapairap na inayos ko ang buhok. Siraulo talaga kahit kailan! Heto at sinisimulan na niya ang panggugulo sa akin. Pasalamat siya at na-miss ko siya kundi makakatikim talaga ang lintik dahil sinisira niya ang pananahimik ko.

However, may point din naman si Zeph. Kung may choice lang din ako mas pipiliin kong humilata na lang sa bahay buong araw at huwag nang magtrabaho. Pero dahil ayaw kong matambakan at abutan ng deadline, I decided to just finish this task kahit pa off ko ngayon.

Packed na kasi ang schedule ko sa susunod na apat na linggo. I also need to prepare review materials for my upcoming international math competition.

"You should've asked that guy, who looked like a body builder, to finish the work instead. Sigurado papetiks-petiks 'yon ngayon, habang ikaw, nandito sa shop ko't nagpapakahirap d'yan."

Taas-kilay na nilingon ko si Zeph. He had an annoyed look on his face while he was busy listing something at the counter. Malapit lang ang puwesto ko sa kaniya kaya malinaw kong narinig ang mga sinabi niya.

Inis na inirapan ko ang loko. Nakita na niya ng isang beses si Jiro sa L'espresso noong umuwi siya last year. Hindi ko alam na natatandaan pa pala niya ito.

"Don't worry, I'm not doing this alone. He also has his part and he's probably working on it now. By the way his name's Jiro Elizalde and he's not a bodybuilder. Kamukha niya kaya si Captain America, duh?" I rolled my eyes at him.

"Sige, Kia, ipagtanggol mo pa!" Pinandilatan ako ni Zeph.

Tawa na lang ang isinagot ko saka uminom ng order kong slushy. Mayamaya komportableng sumandal ako sa backrest ng upuan at tahimik na pinanuod si Zeph sa ginagawa niya sa counter. Napangiti ako nang mag-register sa taste buds ko ang refreshing at matamis na fresh strawberries. Alam na alam talaga ni Zeph ang timpla ng favorite ko.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon