CHAPTER FOUR

77 13 57
                                    

"O, BAKIT nandito ka pa't nagpapakalat-kalat, Kia? 'Di ba flight mo ngayon?"

Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na tanong ni Zeph sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Six AM na noon at bahagya nang sumisilip ang papasikat na araw sa hilera ng mahabang kabundukang nakapalibot sa maliit na village namin. The sky looked promisingly clear—perfect sign para kay mommy na maglalaba ngayon.

Magkakahalong ingay ang maririnig sa paligid. Birds were singing above the tall Gmelina trees that surrounded the entire area. Sumasabay rin doon ang pamilyar na batingting ng bell mula sa bisikleta ni Manong Caloy na kanina pa iniikot ang buong Zabali para maglako ng mainit-init pang pandesal.

It was a busy Sunday morning. Maaga pa pero buhay na buhay na ang paligid dahil sa mga residenteng nagsisimula na sa kani-kanilang mga gawain.

I inhaled. Pinuno ko ang baga ng malamig at sariwang pang-umagang hangin saka itinodo ang volume ng music sa phone, na nasa bulsa ng suot kong running shorts. I kept running until I was out of breath. Tagaktak na rin ang pawis ko pero hinayaan ko lang tumulo ito. Umaasa akong sasamang umagos doon ang indifference na dama ko pa rin hanggang sa mga oras na iyon.

Ten days na ang nakararaan mula nang ibagsak ni Evil Brenda ang masamang balitang hindi ako matutuloy sa Singapore. And today was supposed to be the day of my flight. Excited na excited pa naman ako noong sinabi ko iyon kina mommy at daddy pati na rin kay Zeph. I even promised them that I'd take a stroll and bring back souvenirs once I returned. Pero masaklap dahil hindi iyon nangyari.

Sinayang lang ang efforts ko!

Naalala ko pa kung paano ako pumalahaw ng iyak nang umuwi ako noong araw na iyon. I felt betrayed and disappointed. Hindi ko lubos maisip na babalewalain lang nang ganoon ang sacrifices ko.

Wala naman akong naging lapses. Hindi ko kailanman hinayaang ma-compromise ang competition na iyon kahit pa sandamakmak ang trabahong ibinibigay ni Evil Brenda. At aware na aware ang letseng bruhang iyon doon!

Tapos si Jiro...

After my encounter with Evil Brenda, I received a call from him. He apologized and admitted that he had been really hesitant to say "yes" at first. Nang marinig ko iyon sa kaniya ramdam ko ang sincerity sa boses niya. Pero kapag naaalala ko ang sinabi ni Evil Brenda about him gladly accepting the mentorship, naninikip nang husto ang dibdib ko. Since that day, I've had doubts about him, na ayaw ko sanang maramdaman.

Mataas ang tingin ko sa kaniya. Kahit minsan hindi ko binigyan ng ibang kahulugan ang effort niyang tulungan ako as I prepared for that competition. I thought he was doing that because I was truly special to him and that I had a place in his heart...

Pero mukhang iba ang meaning n'on sa kaniya.

That made my heart ache. Mula sa mabilisang pagtakbo unti-unting bumagal ako. For a moment, naramdaman ko ang saglit na pagkirot ng puso ko.

"Kaya naman pala 'di mo 'ko naririnig, Korean song na naman na 'di ko ma-gets ang lyrics 'yang nasa playlist mo."

Biglang naputol ang emotional voice ni Eunkwang sa chorus part ng Alone nang marahang kinuha ni Zeph ang isang pair ng ear pods na nakapasak sa tainga ko. Tuluyang tumigil ako saka siya nilingon.

"O, nand'yan ka pala?" painosenteng tanong though it was clear that he wouldn't buy it.

"Kanina pa. Kaya nga hinabol kita, eh. Pero tinakbuhan mo 'ko na para bang nakakita ka ng g'wapo at hot na multo," mahangin na sabi niya.

Tumaas tuloy ang kilay ko saka siya inirapan. There he went again, showing his haughty side, na wala sa timing. Nananaksak ang tinging hinablot ko ang ear pod. Mayamaya sinimulan ko nang maglakad. Pero mukhang walang balak si Zeph na itigil ang pang-uusisa niya. Maagap siyang sumunod sa 'kin.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon