FINAL CHAPTER

62 8 10
                                    

CHRISTMAS day nang umuwi kami nina Ellie. Gusto ko pa sanang mag-stay sa Diguisit at doon na lang i-celebrate ang Christmas pero na-realize kong baka mag-alala sa 'kin sina Mommy. Saka ito ang unang beses na hindi ko sila makakasama sa pasko kung sakali. Kaya kahit hindi pa ako handang bumalik ng Zabali nag-decide pa rin akong sumama sa mga kaibigan ko.

Napansin ko ang bahid ng pag-alala sa mga mata ng parents ko nang salubungin nila ako kanina. Kahit si Kuya Kade na bihirang magpakita ng concern sa 'kin ay paulit-ulit din akong tinanong kung maayos ba ang lagay ko. Good thing, nakaya kong itago ang bigat na nararamdaman ko and I assured them that everything was alright. Mabuti na lang at hindi na sila nag-usisa pa. At least, naiwasang mabanggit sa usapan si Zeph.

Mula nang dumating ako kaninang umaga, maghapong nanatili lang ako sa loob ng room ko. Balak kong lumabas na lang sa mismong Noche Buena pero nagulat ako nang bandang seven PM ay kinatok ako ni Mommy para sabihing may bisita ako. Handa na akong magdahilan ngunit pinutol ng sunod niyang mga sinabi ang alibi na nasa dulo ng dila ko.

"Wala si Zeph ngayon, Kia. Si Jiro ang nasa labas."

Napakunot-noo ako sa sinabi ni Mommy pero mayamaya ay napilitan din akong lumabas. Sa sala ko nadatnan si Jiro nang makababa ako.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" naka-cross arms at taas-kilay na tanong ko.

"Merry Christmas, Kia!" magaang bati niya at hindi pinansin ang nanunuring tingin ko.

"Babatiin mo lang talaga ako kaya ka nandito?" Naningkit ang mga mata ko.

"No. Pumunta ako rito para makausap ka."

"Bumiyahe ka ng almost two hours para kausapin lang ako?" hindi pa rin kumbinsidong tanong ko.

Mahina siyang natawa. "Meant to be nga siguro tayo. My family happened to celebrate Christmas sa kabubukas na resort dito sa inyo. Naalala kong malapit ka kaya pinuntahan na kita."

Harap-harapan akong napaismid sa sinabi ni Jiro. Hindi ko alam pero mula nang sabihin niyang gusto niya ako, eh, panay na ang ganitong mga banat niya. Siguro nga ay iyon ang paraan niya para makuha ulit ako. Pero as if magpapadala ako. Never!

At para makaalis na siya, nag-decide akong paunlakan ang request niyang "pag-uusap". I thought, this would be better para at least ma-divert ang uneasiness na nararamdaman ko. Dahil Christmas eve, buhay na buhay ang buong kapaligiran. Nag-aanyaya rin ang maginaw at festive na ambiance ng paligid para sa late night walk.

With that, Jiro and I decided na mag-usap na lang habang naglalakad sa premises ng village-na noon ay punong-puno ng magkakahalong ingay dahil sa kabi-kabilang celebrations. Hanggang sa narating namin ang maliit na playground ilang ang blocks ang layo sa bahay. Naalala kong paborito naming tambayan iyon ni Zeph noong teenagers pa kami.

Kumirot ang dibdib ko at the sudden thought of him. Pero mabilis ko rin iyong pinalis sa isip lalo na nang magsalita si Jiro. Kapwa na kami nakaupo noon sa magkatabing swing habang nakatunghay sa makulay at maningning na liwanang na nagmumula sa hile-hilerang kabayan sa harap namin.

"Wala na ba talaga akong pag-asa sa 'yo, Kia?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong na iyon ni Jiro.

"Ano sa tingin mo?" balik-tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa magandang tanawin sa harap ko.

"Gusto kong umasa na mafa-fall ka ulit sa 'kin tulad nang dati pero kapag nakikita kitang masuyong nakatitig sa best friend mo, naglalaho 'yong kaunting chance na kinakapitan ko."

Mapait akong ngumiti sa sinabi niya. Sana nga kay Jiro ko na lang naramdaman itong damdaming sumasakal sa 'kin ngayon. Pero kung nagkataon bang siya ang minahal ko at hindi si Zeph, ganito pa rin kaya kasakit?

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon