CHAPTER SEVEN

63 11 25
                                    

AUTOMATIC na tumikwas ang kilay ko nang madatnan ang "nakaririmarim" na eksenang iyon sa L'espresso. Gusto ko lang naman uminom ng frappe, pero bakit kailangang ma-witness ko pa ang lampungan ng dalawang taong kinabubuwisitan ko?

Kainers 'yarn!

"Dapat hindi mo sila pinapasok. Sinasabi ko na, bad luck lang ang dala ng mga 'yan dito sa shop mo!" nagkikiskisan ang mga ngiping pabulong na sabi ko kay Zeph nang lapitan ko siya sa counter.

"OA mo, Kia. Businessman ako, remember? Sayang naman ang kita ko kung palalayasin ko sila," kalmado pero natatawang sabi niya.

"Kaibigan ba talaga kita, ha?" Inirapan ko siya.

"Hey, chill! Gutom lang 'yan. Better umupo ka na do'n at hintayin mo 'yong order mo. Saka pumikit ka na lang kung ayaw mo silang makita para hindi ma-infect 'yang mga mata mo," mapang-asar pang turan ng siraulong kaibigan ko.

Ngali-ngaling tampalin ko ang lintik.

Ayaw ko man, I went to my usual seat. Nakakabanas dahil kitang-kita sa puwesto ko ang landian nina Camille at Jiro! Dapat yatang pumikit na lang ako katulad ng suggestion ni Zeph. Parang magdidilim ang paningin ko nang wala sa oras!

"Baby, say 'ah'..."

Gusto kong masuka nang ilapit ni Camille ang kutsarang may lamang slice ng cake sa bibig ni Jiro—na game na game namang ngumanga!

Shuta! Kulang na lang ay ibato ko sa kanila ang lagayan ng table napkin sa harap ko.

'Wag mas'yadong bitter, 'te! 'Di ba nagmo-move on ka na?

Oo nga! Pero hindi ko naman sinabing i-test agad kung naka-move on na ba ako.

Sa sobrang pagngingitngit, dinampot ko na lang ang phone na inilapag sa table at nag-scroll ako sa FB. Pero punyemas kasi pagbukas ko ng app tumambad sa feed ko ang selfie ng mga buwisit sa harap ko!

Jiro posted that damn picture of them together. "At the moment" pa ang nakalagay sa caption. Napiga ko tuloy ang hawak na gadget. Hindi na rin ako nagdalawang isip, I clicked his profile and unfriended him immediately. Bakit ba kasi hindi ko naalalang gawin 'yon last time?

Kalma, Kia! paulit-ulit na reminder ko kay inner self saka nag-inhale exhale.

Seconds later, lumapit si Zeph at inilapag ang order kong matcha frappe at blueberry cheesecake. Saglit na naglaho ang pagka-beast mode ko nang makita ang mga pagkaing 'yon. Umaliwalas ang pakiramdam ko at agad na naramdaman ang gutom nang maamoy ko ang creamy scent ng cake. Dagli kong nilantakan iyon.

"Look, may surprise ako sa 'yo," magaang sabi ni Zeph habang may amusement sa matang pinapanuod ako sa pagkain.

"Ha? Ano?" curious na tanong ko pagkatapos kong lunukin ang slice ng cake sa bibig.

"'Lingon ka sa hatest love birds mo." Inginuso niya ang puwesto ng dalawa.

Kunot-noo namang sinundan ko 'yon ng tingin kahit parang magkaka-sore eyes ako. Dalawang table lang ang pagitan namin. May occupants ang mesa na katabi nina Camille at Jiro kaya hindi mahahalatang sinusuri namin sila ng tingin ni Zeph.

Parang may sariling mundo ang dalawa kasi sweet na sweet pa rin silang naglalampungan. Mayamaya inilapag ni Ren—isa mga service crew ni Zeph—ang order nilang frappe.

"Miss, hindi kami nag-order nito," narinig kong takang saad ni Jiro.

"That's on the house, Sir. Treat po 'yan ng L'espresso para sa first time customers."

Muntik na akong mapahalgapak ng tawa sa sinabi ni Ren—na pasimpleng bumaling sa direksiyon namin. Napabungisngis na nilingon ko si Zeph na kalmado lang ang expression ng mukha habang nakaharap sa 'kin.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon