CHAPTER NINE

48 10 19
                                    

"HELLO? Earth to Kia?"

Napapitlag ako nang magsalita si Raffy kasabay ng pag-wave niya ng kamay sa harap ko. I blinked for a couple of times. Alanganin akong ngumiti lalo nang mapansin ko ang naniningkit na mga mata ni Ellie sa tabi niya. We were currently at Raffy's house. Pinag-uusapan namin ang mga detalye para sa gaganaping Senior's ball bilang parte ng eighty-fifth founding anniversary celebration ng Brentwood. The event was scheduled next month at "s'werteng" kaming tatlo ang naatasang mag-organize para doon.

"S-Sorry... nasa'n na ulit tayo?" alanganin ang ngiting tanong ko. I also cleared my throat and sat up straight—umaasang sa pamamagitan no'n ay maco-compose ko ulit ang sarili mula sa biglaang pag-space out.

"Girl, nakakahalata na talaga ako. Alam mo bang kanina ka pa natutulala? May problema ka ba, ha? Ang layo-layo ng mga tingin mo," nakataas ang kilay na sabi ni Ellie saka humalukipkip.

"Tama. Pansin ko rin 'yon, Kia. May nangyari bang hindi namin alam?" tanong naman ni Raffy.

"Wala! 'Ayos lang ako ano ba? Imagination n'yo lang 'yan!" I let out a quite tensed laugh.

Paano ko ba kasi ipapaliwanag sa kanila na sobrang bothered ako ng thoughts tungkol kay Zeph—parang marathon runner na hindi napapagod kakatakbo sa isip ko. Actually, sobrang naiinis na ako kasi halos minu-minuto ay naiisip ko siya. Para siyang pop-up ad sa utak ko—laging nandiyan, hindi ko ma-close. Hindi ko rin naman ma-explain kung bakit nangyayari iyon. At ang weird pa, hindi na rin nawala ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko, lalo na kapag naaalala ko siya sa halos lahat ng bagay o eksenang nakikita ko sa paligid. Letse! Parang lahat may Zeph filter!

At kani-kanina lang, si Zeph pa rin ang dahilan kung bakit bigla na lang akong nag-space out habang kasama ko ang mga kaibigan ko. Parang na-hypnotize ako sa magandang ngiti niya kaninang umaga. Wala namang bago roon kasi puro pambubuwisit lang ang napala ko sa pesteng iyon nang makikain siya ng breakfast sa 'min. Pero bakit ayaw mawala ng lintik na image na iyon sa isip ko?

Gosh! I think I'm going nuts! Normal pa ba itong nararamdaman ko para sa kaniya?

"Naku, Kia. Kapag kami may na-miss na ganap sa 'yo dahil mas pinili mong gawing top secret 'yan, lagot ka talaga sa 'min!" Pinandilatan ako ni Ellie.

"Ano ka ba? Wala nga!" sabi ko nang pilit na pinagaan ang boses ko habang itinaas ang right hand ko para mag-pledge sa kaniya. Parang nag-oath taking ako sa Supreme Court na wala lang itong nararamdaman ko kay Zeph, pero parang ang hirap magpakabog ng pesteng puso ko!

"Sabi mo 'yan, ah." May panunuri pa rin sa tingin ni Ellie. "Okay, awat na muna tayo sa 'yo, girl. Ang mabuti pa pag-usapan natin ang ganap sa special day mo today. O, don't tell me, nakalimutan mo na namang birthday mo ngayon?"

Natawa ako sa sinabi ng kaibigan ko. Almost three years ko na kasing nakakalimutan ang pagsapit ng mismong birthday ko at lagi na lang nire-remind sa akin. For the past years palibhasa puro trabaho ang nasa isip ko at madalas sobrang busy ako kapag dumarating ang araw na ito.

But this year was different. Maaga pa lang ay may na-receive na akong birthday greeting galing kay Zeph. He texted me bago siya lumipat sa bahay kanina. At habang kumakain sila ng breakfast pinagplanuhan na nila ni Mommy ang mga pagkaing lulutuin.

O, si Zephyrus na naman. Girl, iba na talaga 'yan.

I knew but I couldn't really help it. Hindi ko alam kung paano palalayasin ang punyemas na si Zeph sa isip ko. At kahit ayaw ko man tila binubuhay ng kakaibang damdaming hatid niya ang pamilyar na pakiramdam na dulot ng pangyayaring iyon, siyam na taon na ang nakararaan.

It was also the same day, and I never thought I would feel these emotions just like the way I did nine years back...

It was supposed to be a special day pero bakit ganito? Bakit sobrang lungkot?

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon