CHAPTER FIVE

63 10 21
                                    

RAMDAM ko ang mahinang patak ng panaka-nakang ambon sa balat ko. Pero hindi ko iyon pinansin, sa halip nagpatuloy lang ako sa walang direksiyong paglalakad.

Eight PM at madilim na madilim na ang paligid. Dapat nagmamadali na ang mga hakbang ko dahil ayaw na ayaw kong nababasa ng ulan—pero this time nawalan ako ng pakialam.

Ilang sandali pa sumabay ang pag-ihip ng hangin—na mas malamig kumpara noong nakaraang mga buwan dahil papasok na ang December. Nagdulot iyon ng bahagyang panginginig sa sistema ko. Wala sa loob na nayakap ko ang sarili.

Napapatingin sa akin ang ilang mga residenteng kasabay kong naglalakad. Ang iba napapatanong, bakit wala raw akong dalang payong. Pero simpleng ngiti lang ang isinagot ko habang deretso ang tingin sa basang kalsada.

Hindi ko magawang ituon sa kanila nang matagal ang pansin ko. Ayaw kong makita nilang maga at namumula ang mata ko dahil sa kanina pang pag-iyak. Actually, hinintay ko lang na makauwi halos lahat ng personnel sa Brentwood bago ako nagpasyang umalis sa classroom ko.

I was in denial. Hindi ko pa rin matanggap na kayang gawin iyon ni Jiro. Well, practically speaking, he used me, whether I wanted to admit it or not.

At parang dinidikdik ang puso ko dahil sa sobrang sakit.

Okay pa sa aking pinaasa niya lang ako. Pero ang siraan ako at pagmukhaing tanga sa harap ng co-teachers ko, iyon ang kailanman hindi ko matatanggap.

Hindi ko lubos maisip bakit kailangan kaming humantong sa ganito. Wala naman akong masamang nagawa sa kaniya. I trusted him at kahit kailan hindi ako nagkunwari sa totoong nararamdaman ko.

Kasalanan ko bang masyado akong nahulog sa kaniya? Bakit ang unfair? Bakit kailangan kong danasin 'to?

Sa naisip kong iyon, hindi ko napigilan ang muling paghapdi ng mga mata ko. Lalo akong napayuko nang ilang segundo pa'y ayaw nang paawat ng mga luha ko sa pag-agos.

Malalaki na noon ang patak ng ulan at nababasa na ako. Pero wala pa ring pagmamadali sa mga hakbang ko.

Hinayaan ko lang ang sarili habang tuloy-tuloy na dumadaloy kasama ng ulan ang mga luhang hindi ko na kayang pigilan. Umiyak ulit ako at kalauna'y napahagulgol.

Nang mga oras na iyon tunog na ng marahas na bagsak ng ulan ang pumupuno sa buong paligid. Kasabay ng pag-agos nito, tuluyan kong pinalaya ang sakit at bigat na dumadagan sa dibdib ko.

And no matter how hopeless I felt at the moment—para akong basang sisiw na iyak lang nang iyak habang naglalakad sa gitna ng kalsada—nawalan ako ng pakialam.

Nasa ganoon pa rin akong estado nang mapadaan sa bukas pang coffee shop ni Zeph—na hindi ko sana mapapansin kung hindi niya ako tinawag kahit pa malakas ang buhos ng ulan. Pasimple sanang lalampasan ko siya pero hindi nangyari kasi madali siyang tumakbo palapit sa kinatatayuan ko.

"Kia, what the hell are you doing?" may bahid ng inis na tanong niya nang makalapit siya sa akin.

Marahang hinawakan niya ako sa magkabilang mga balikat at pilit na pinaharap sa kaniya. Hindi ako umimik, nanatili lang nakatungo. Parehas na kaming nababasa kasi katulad ko sinuong din ng engot na si Zeph ang ulan nang wala man lang dalang payong.

"Ano'ng nangyari?"

Nang hindi ako sumagot, he forced me to look at him. Saglit na nagtama ang tingin namin. Dumaan ang pag-aala sa mga mata ni Zeph nang matitigan akong mabuti. Iyon na rin ang naging hudyat para hilahin niya ang kamay ko at igiya ako papunta sa L'espresso.

Dumeretso kami sa office niya na nasa likod lang ng coffee shop. Pagkabukas ng pinto, agad niya akong pinaupo sa sofa, kinuha ang bag na dala ko, at mabilis na pinatay ang air condition.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon