CHAPTER EIGHT

59 10 16
                                    

"ZEPH!" habol ang hiningang tawag ko nang madatnan ko siyang nakatayo sa bukana ng mahabang hanging bridge ng Zabali.

Papalakas na noon ang patak ng ulan at kapwa na kami nababasa nito—bagay na parehas naming inignora. Tama akong makikita ko siya rito. Ngunit kaiba sa eksenang iyon nine years ago, hindi ko siya naabutan sa gitna ng tulay. I saw him at the entrance, drenched from the rain.

It was already six PM, and he had definitely stayed there for too long. In just a few more minutes, the last traces of daylight would be completely swallowed by darkness.

Parang na-i-imagine ko na ang itsura ni Zeph habang nakatanaw sa malawak at kalmadong ilog. Siguradong nasa mga mata niyang muli ang lungkot at labis na pangungulila. Kahit pa alam kong wala na siyang balak tumalon this time sinalakay pa rin ako ng kaba kaya mabilis kong inakyat ang sementadong hagdan at hinila siya palayo roon.

"Kia? Ano'ng ginagawa mo rito?" mahina at bahagyang gulat na tanong niya nang makita ako.

Para akong napaso nang rumehistro sa palad ko ang mataas nang body temperature niya habang hawak ko pa rin siya sa braso. At lalo akong nag-alala nang matitigan kong mabuti ang mukha niya. His face looked extremely pale. Namumula rin ang gilid ng ilong niya at bloodshot ang malalalim na mga mata.

"Umuwi na tayo, Zeph," hindi mapakaling sabi ko sa halip na sagutin ang tanong niya.

Tipid na ngumiti si Zeph—ngiting hindi umabot sa mga mata niya. Mayamaya muli siyang lumingon sa malawak na tanawin sa harap namin.

Malakas na ang buhos ng ulan. Nanginginig na rin ako dahil sinasabayan pa iyon ng malamig na ihip ng hangin. I bet he also felt the same pero sadyang mas pinipili niyang huwag iyong pansinin.

Binalot kami ng ilang segundong katahimikan. Tanging ang patak ng ulan lang ang maririnig na ingay sa paligid.

"Just like that day, nine years ago nahanap mo ulit ko..."

Hindi siya nakatingin sa akin but he surely had that pained look in his eyes right now. Tama ako nang makita ko ang lungkot na iyon sa Dicasalarin a few days ago. Hindi pa rin nakakalimutan ni Zeph ang masakit na trahedyang iyon—ang pag-iwan sa kaniya ng buong pamilya.

That explained why he suddenly disappeared. Bagay na hindi ko man lang napansin. Ever since he returned two years ago, there hasn't been any sign of the painful past he once carried. Zeph had always been smiling. There were no signs that he was silently hurting...

"When you saved me from ending my life nine years ago, you gave me hope, Kia... Kaya sinubukan kong magpatuloy kahit hindi ko alam kung paano ulit magsisimula. When I finally found the courage to return, I thought I was doing alright. P-Pero kapag dumarating ang araw na 'to... laging nawawalan ako ng lakas para umusad ulit." His voice cracked. "H-Hindi ko pa pala kayang humarap sa kanila. Kasi lagi pa rin akong hinahabol ng masakit na katotohanang wala na sila at kahit kailan 'di na muling babalik pa..."

Lumapit ako kay Zeph. Saglit na naghinang ang mga tingin namin. Gusto kong maiyak sa nakita kong lungkot doon pero pinigilan ko ang sarili. Mayamaya mahigpit ko siyang ikinulong mga bisig ko.

"It's alright, Zeph..." I assured him.

"Alam mo bang sobra ko na silang nami-miss? Everyday lagi kong hinihiling na sana masamang prank lang 'to. Na isang araw magigising na lang akong nasa tabi ko na ulit sina Mommy at Daddy. Na makikita ko ulit si Zia. P-Pero nine years na akong naghihintay, wala pa ring nagsasabi sa 'king malaking biro lang lahat..."

Tumulo ang mga luha ko at hinayaan kong umagos iyon kasama ng malakas na buhos ng ulan. Naramdaman kong humigpit ang yakap sa 'kin ni Zeph. Nagpaubaya ako. I let him clung into me, hoping that by doing that, the pain in him will subside...

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon