CHAPTER ONE

222 17 132
                                    

HALOS mag-cartwheel ang puso ko nang madatnan ang pamilyar na coffee cup ng L'espresso kasama ang isang tangkay ng red rose sa ibabaw ng table ko. Omgeee! Kulang na lang ay gumulong ako sa sahig dahil sa sobrang kilig.

It was seven in the morning, at saktong-sakto ang timing ng mga iyon para i-boost ulit ang energy ko ngayong araw. Unti-unti nag-switch sa calm mode ang kanina lang ay beast mode na sistema ko.

Dapat naman talaga ay maganda at masigla ang mood ko. Pero dahil nakasabay ko sa pag-clock in si Evil Brenda—bumungad lang naman sa akin ang busangot na mukha niya at sinabayan pa ng pagbabagsak niya ng trabaho—instantly, nasira ang supposedly masaya sanang Friday morning ko.

Acid reflux is waving! nang-aasar na warning ng inner self ko nang akmang hahawakan ko ang cup ng kape.

Pero tinaasan ko lang ng kilay ang kontrabidang bahaging iyon ng isip ko. Lakompake! Marami pa akong stock ng Gaviscon sa drawer ko kaya kiber sa lintik na acid reflux na iyan. Saka masyadong precious ang kapeng ito para ipamigay or itapon ko lang, 'no!

Kasi special ang nagbigay? Tse!

Abot hanggang tainga ang ngiting kinuha ko ang mainit pang cup at nilanghap ang mabangong aroma ng kape from my "special someone". It smelled like cappuccino this time and although it was not my favorite, still, a big A plus for the effort! Hindi na mabura-bura ang malawak na ngiti ko habang inaayos ang mga gamit sa table. Ilang sandali pa at naglaho na ring parang bula ang nalalabing trace ng pagkayamot na kanina lang ay ramdam na ramdam ko.

"Bakit masaya ang beshy ko?"

Mula sa pagbubukas ng laptop, napahalakhak na nag-angat ako ng mukha sa pambungad ng boses na iyon na noon ay kapapasok lang sa faculty room.

"Good morning, Ellie!" masiglang bati ko sa closest friend slash co-teacher ko na parang may lahing Korean pero pure Filipino naman ang blood line. "'Ganda ng OOTD mo ngayon!"

She looked like a K-Drama college girl in her white chunky sweater, which matched her short bob haircut and fair skin tone. She wore a long checkered skirt and paired it with cream-colored ankle boots. Bagama't medyo chubby si Ellie bumagay pa rin sa kaniya ang suot dahil nag-complement iyon sa height niya— kaparehas ko siyang may taas na five feet and two inches.

Napansin kong hindi rin siya naka-glasses ngayong araw. I bet she replaced it with her contacts again. Well, prefer ko ang ganitong look ng friend ko na nafi-flex niya every Friday. Mas maganda ang bukas ng mukha niya kapag wala siyang mga salamin dahil na-e-emphasize nang husto ang expressive na almond-shaped eyes niya at matangos na ilong.

"S'yempre! Hindi p'wedeng ikaw lang ang maganda dahil may pakape at pa-flowers 'yang special someone mo!" natatawang sagot niya then settled herself on the seat beside mine.

Elliena Guerrero was my friend for six years already. College friends kami at blessing in disguise na nagkasabay kaming nakapasok sa Brentwood three years ago. Siya kasi ang nagsilbing karamay ko sa taxing at toxic life ko bilang high school teacher.

My name's Kiara Guanzon, but people often call me "Kia". Turning twenty-five na ako next month and in December I would be four years in the service. Teaching was not my dream job. High school pa lang ako, never ko nang nakita ang sarili sa profession na ito.

I originally wanted to become a doctor, but I didn't make it. Nalugi ang business ni Daddy noong twelve years old ako. That was also why my family, originally from Manila, moved back to Baler when I was about to enter high school.

Dalawa lang kaming magkapatid. Si Kuya Kadence—na nakakuha ng item bilang Engineer I sa municipal office ng Baler—at ako. In the present, my family was doing well. Daddy had retired as a public servant—after his failed business, he had applied for an administrative job in the provincial office of Aurora. Si Mommy naman ay abalang-abala pa rin sa pagbabantay ng maliit na sari-sari store namin.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon