CHAPTER SIX

65 10 22
                                    

NAGISING ako dahil sa malakas na ring ng cellphone ko. Ilang sandaling hindi ko ito pinansin at bumalik ako sa pagtulog. Pero letse! Ayaw tumigil sa pag-iingay! Napapamura at pikit-matang kinapa ko ang lintik na gadget sa bedside table.

Hindi ko na tiningnan ang pangalan ng tumatawag sa screen nang i-swipe ko iyon. Basta tumagilid na lang ako at tinatamad na ipinatong ang phone sa ibabaw ng tainga ko.

I responded with a raspy, "Hello."

"Kia, gising na!"

I remained silent. Saglit na nag-process ang utak ko at kinalkal sa memory bank ko kung kaninong boses ang nasa kabilang linya.

"Hello? Hoy, 'wag mo 'kong tulugan!"

Dumilat ako nang ma-realize na si Zeph iyon. Busangot ang mukhang bumangon ako at nag-Indian seat sa gitna ng kama.

"Ano na naman ba'ng kailangan mo? Ang aga-aga, Zephyrus, ah. Bakit ba nambubulabog ka?" asar na saad ko.

Pero hindi na sumagot ang loko sa kabilang linya. May ilang segundong sunod-sunod na yabag lang ang narinig ko sa background. Paulit-ulit ko pa siyang tinawag hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng room ko at dumungaw ang ulo niya roon.

Pinatay niya ang tawag at ibinulsa ang hawak na cellphone.

"'Di ba sabi ko, sasamahan mo ako sa Artist' Village ngayon?" naka-cross arms na imporma niya nang tuluyan siyang makapasok at maisara ang pinto.

Napapahikab na sinuri ko si Zeph ng tingin mula ulo hanggang paa. Bihis na bihis na nga ang loko. In fairness, ang fresh niyang tingnan sa suot na stripes na sweaters, black pants at navy blue na snapback. Pinuno rin ang pang-amoy ko ng gentle scent mula sa gamit niyang pabango.

Nahiya naman ang may muta pa yatang mga mata ko pati na rin ang sabog na sabog na buhok ko sa itsura nitong si Zeph. Eh, 'di siya na ang early riser!

Pero, sandali nga. Hindi ko talaga maalalang may usapan kaming lalabas ngayong araw. Nakusot ko ang mga mata. I lazily glanced at my bedside clock. Napamulagat ako at nawala ang natitirang ounce ng antok sa katawang-lupa ko nang makitang six AM pa lang ang oras doon!

"Siraulo ka ba, Zeph? Ano'ng gagawin natin sa Artist' Village nang ganito kaaga, ha?" salubong ang mga kilay na tanong ko nang balingan siya.

"Magkakape," he remarked coolly and gave me a sweet smile.

"Gago! Bib'yahe ka nang ganitong oras para lang magkape? Eh, kung sinasakal kaya kita d'yan?"

Iritang nahiga ako at mabilis na nagtalukbong ng kumot. Umagang-umaga pinapataas ng buwisit ang blood pressure ko!

"Hey, hey, don't do that! Samahan mo na 'ko, please," he protested but I ignored him.

Seconds later, nasa kama ko na siya at pilit na inaalis ang kumot sa katawan ko.

"Punyemas ka, Zephyrus! Masasaktan talaga kita!" gigil na sigaw ko saka siya hinampas ng unan.

Pero parang walang kaso iyon sa kaniya kasi hinagis lang niya ang unan sa kung saan saka bumalik sa panggugulo sa akin. At dahil mas malakas ang gago nagawa niya akong hilahin sa braso para maibangon.

Mayamaya pa, inaalog na niya ako sa magkabilang balikat—which was enough to fully wake me up. Ang ending para na akong gorang kasi lalong sumabog sa mukha ko ang mahabang buhok.

Yamot na minura ko siya dahil sa sobrang inis bagay na tinawanan lang niya nang malakas.

"Letse ka!" asik ko habang iniipit sa magkabilang tainga ang buhok na tumabing sa mukha ko.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon