"Sino yun Zoren huh? Sino!?" Hindi ko na napigilan yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan na bumagsak. Ansakit, ansakit magtanong lalo na't alam mo na kung anong sagot. Ansakit, ang hirap marinig sakanya mismo.
"I'm sorry Jean, le--"
*pak* hindi ko na napigilan yung sarili ko. Nasampal 'ko sya. Mahal na mahal ko sya e, pero bat ganun? Lagi nya nalang akong ginagago pangalawang beses na 'to. Akala ko magiging okay na ang lahat this time... well yun ang akala ko.
Playboy is always be a playboy.Noong nakarang bwan lang noong nag break kami, the same reason meron syang iba. Masakit yun! Walang makakadefine kung gaano kasakit. Nagkaroon ako ng boyfriend o should i say na rebound pagkatapos naming mag break ni Zoren, si Jared yung varsity player ng basketball. Sinagot ko sya para pag-aralang makalimutan si Zoren, hindi dahil mahal ko sya. Hindi ko naman sinasadyang gamitin sya.
Dumating ulit si Zoren, humingi sya sakin ng second chance. Ako naman 'tong si tanga ayun pinatawad ko sya.
Akala ko magiging okay ang lahat, akala ko natuto sya, akala ko mamahalin nya ako ng seryoso. Pero hindi e, akala ko lang pala. Kasi heto umiiyak nanaman akong naglalakad sa campus dahil sa parehong lalaki at parehong dahilan. Ang tanga ko! Naniwala ako sakanya. Antanga ko nagmahal ako ng tulad nya. Pakshit na buhay!"Heto panyo, kailangan mo yata" napalingon ako sa lalaking nag abot sakin ng panyo. Si Jared.
"Thank y-you" bakit sya nandito, nakakainis sya pagkatapos ko syang lokohin tinutulungan nya 'ko
"Wag ka nang umiyak, lalo kang pumapanget" at nginitian nya ako. Ang gwapo nya, bat ba kasi napaka tanga ko e. Meron namang pwedeng mahalin dyan, yung hindi ka lolokohin. Dun parin ako sa manloloko.
Nginitian ko sya pero tumutulo parin yung luha sa mga mata ko, hindi dahil kay Zoren kundi dahil nagu'guilty ako. Pagkatapos ko syang lokohin at gamitin andyan padin sya para sakin.
"Tara sa canteen, libre nalang kita" nakangiting sabi nya
"Ayoko, busog pa 'ko. Balik nalang ako sa room namin. Thanks dito" sa panyong ibinigay nya. Lalabhan ko nalang bago ko ibabalik sakanya, nakakahiya naman ang bango bango nung panyo nya tapos nilagyan ko lang ng luha ko.
"Wala yun" sagot nya. "Amm, jean?"
"Hmm?"
"Pwede ko bang mahingi yung number mo? Nagbago kana kasi ng number e" Tanong nya na parang nag-aalangan. Sabay kamot pa nya sa batok nya.
Ngumiti naman ako at ibinigay sakanya.
"Thanks, sige practice na ko ah. Wag ka ng umiyak" at tumakbo na sya papuntang Gym.
---
Hindi ko namalayan na last subject na namin dahil sa nangyari kanina. Buong klase nakatulala lang ako, may mga kaklase akong nagtatanong kung okay lang daw ako. Ang tanging sagot ko lang 'oo naman' kahit halata namang hindi.
*beep* napatingin ako sa phone ko, may nagtext. Baka si Zoren 'to at sasabihin nyang joke lang yung nangyari kanina.
From: +63916*******
Hi :) may kasabay kabang umuwi? Kung wala sabay na tayo. Kung okay lang sayo?
Sino 'to? Ah, baka si Jared. Bat ang bait nya sakin.
To: +63916*******
May kasabay ako e :) sorry.
Pero ang totoo wala naman talaga, ayoko lang mapalapit sakanya ang awkward kasi pagkatapos ko syang lokohin ang bait bait nya sakin.
*RIIIIIIIIIIIIING RRIIIIIIIIIING* uwian na
Inayos ko na yung gamit ko at dumiretso na ako sa gate, wala naman ng dahilan para mag stay pa 'ko dito sa school.
"Uy! Akala ko ba may kasabay ka?" Nagulat naman ako sa lalaking palapit sakin. Ano ba yan! Bat nakita nya pa 'ko.
"Ah e, kasi di na daw nya ako masasabayan kasi may gagawin pa daw sya e" pagsisinungalin ko. Sana naman gumana.
"Ah ganun ba? Sige sabay nalang tayo" nakangiting sabi nya.
Makaka hindi paba 'ko? Ano ba naman to.
Tumango nalang ako sakanya. Kinuha nya naman yung dala dala kong mga libro. Napaka gentleman nya, buti pa sya.
"San pala way mo?" Pagtatanong ko sakanya.
"Doon lang" sagot nya naman.
"O? Magkaiba pala tayo ng way e, pano tayo magsasabay?" Tanong ko naman.
"Hatid nalang kita?" Napakamot pa sya sa ulo nya nung sinabi nya 'yan.
"Wag na" pagtanggi ko naman, ayoko naman talaga.
"Osige, bukas ah?" Tanong naman nya. Pero okay nadin kasi hindi na sya nag insist.
Kinuha ko na yung mga libro ko sakanya at sumakay na ako sa jeep. Para naman makapag pahinga na ako. Depressed na depressed ako ngayon.
---
*beep* kanina pa tunog ng tunog yung phone ko dahil text ng text si Jared. Ang kulit nya! Ayoko syang ientertain. Siguro ie'entertain ko din sya pagnakalipas na yung nararamdaman ko kay Zoren, ayoko kasing isipin nya na ginagamit ko nanaman sya.
Pinatay ko nalang yung phone ko at nagsimula ng matulog.