U

75 4 0
                                        

Jean's POV

"Oh? Anong nangyari dun?" Salubong sakin ni ate

"Ayun, nagsosorry nanaman" walang emosyong wika ko

"Hay nako!" Naiirita ding wika ni ate. "Sige dun lang kami ni Max sa kwarto ko" dagdag nya.

"Ge" tipid na sagot ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko. Tamad na tamad ako sa pag-akyat ng hagdan. Wala naman kasi akong gagawin, kagigising ko lang kaya hindi ako makakatulog nito.

*beep* nagulat pa ako sa tunog ng phone ko dahil sa lalim ng iniisip ko. Umaasa ako na si Jared yung nagtext. Pagkatingin ko naman ay unknown number. Hindi ko na sana ioopen, pero dala ng curiousity binasa ko na din.

From: 0906*******

Hi Jean, i'm sorry hindi na ako makakabalik. Kailangan ko kasing samahan yung pinsan ko. Sorry talaga, babawi nalang ako bukas. -Jared

To: 0906*******

Sige ok lang andito nadin naman si ate

Naghintay ako ng reply pero wala na akong nareceive. Bumaba nalang ako sa kusina para magtingin ng makakakain.

Nakita ko naman sila ate at kuya Max na nagmomovie marathon kaya nakinood nalang din ako. Haha, epal lang ako sakanila.

---

Isang bwan na ang nakalipas simula nung pumunta si Zoren sa bahay na humihingi ng tawad. Simula nun hindi ko nadin naman sya nakita sa school. Good thing dahil ayoko din sya makita.

Last day na ngayon ng klase dahil sembreak na.

Wala naman akong ibang ginagawa, hinihintay ko nalang na mag bell na at maguwian na.

Si Jared ayon nanliligaw padin, balak ko na syang sagutin sa darating na sembreak. Nagtataka lang ako dahil hindi nya padin ako pinakikilala sa parents nya, pero 'lam nyo naman yun. Daming arte sa katawan siguro ayaw nya akong ipakilala bilang nililigawan kundi as a girlfriend.

*RIIIIIIIIIIIIIIIINNGGG RRIIIIIIIIIINGG* uwian na

Pagkalabas ko naman ng room ay nandito na si Jared na naghihintay sa akin. Kinuha nya ang mga librong dala-dala ko tulad ng lagi nyang ginagawa.

"Kelan mo ba 'ko sasagutin?" Natatawang wika nya habang pababa kami ng hagdan

"Pinag-iisipan ko pa nga kung sasagutin ba kita e" natatawang pang-aasar ko sakanya. Biro lang naman yan, ganyan naman kami mag-usap lagi.

"Ouch, so ganyan mo na ako binabasted?" At umarte pa sya na nasaktan talaga sya sa bandang dibdib nya.

Tinawanan ko lang naman sya sa ginawa nya

"Uy, pwede ka bang mag out-of-town with me. This sembreak?" Tanong nya naman

"Di ko alam kung papayagan ako ni mama" sagot ko naman

"Sus! Papayag yun si tita" sagot naman nya. Mayabang din to e! Porke close sila ni mama. Edi sila ng close

Nang makarating kami dito sa bahay ay pinilit naman sya ni mama na papasukin at dito na maghapunan.

Kunyare pa ang loko, halatang gustong-gusto naman nya.

Habang kumakain kami, abot hanggang tenga yung ngiti.

Nang matapos kami ay magalang na syang nagpaalam kay mama.

"Wala man lang goodbye kiss dyan?" Pagpaparinig nya sakin

"Tse! Sige na, ingat" natatawang sagot ko

"Sige bye! I love you" wika nya at nginitian ko na lamang sya bilang sagot

My Rebound Guy[Short Story]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon