Nagising ako sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Agad naman akong napatingin sa oras ng phone ko at... 11am na, hindi na ako pwedeng pumasok.
Napatingin naman ako sa tabi ko, at agad akong namula. Oo nga pala katabi ko syang natulog.
Nakaramdam naman ako ng lungkot ng malamang iniwan na nya ako. Siguro pumasok na sya o umuwi na sya.
Nagulat naman ako ng makita yung letter sa may lamp
Hey! Goodmorning :) nagkaron din ng kuriyente kagabi after mo maka tulog. Kaya lumipat ako ng kwarto. Baka kasi kung anong isipin mo :P
Pagkagising mo, kumain kana. Hinanda ko na yung pagkain mo. Mamayang hapon pa daw dadating si tita. Kaya babalik ako mamaya dyan ;)
-Jared
Tiningnan ko naman yung phone ko para tingnan kung nagtext nga ba si mama.
From: mama
Baka mamayang hapon pa ako makauwi, o baka hindi pa ako makauwi. Malala kasi yung nangyari kay Zeny(kaibigan nya) pero dadating naman yung ate mo mamayang hapon. Andyan naman si Jared
Tumayo na ako para maghilamos.
Pagkababa ko naman naka ayos na yung pagkain sa mesa. Bacon, egg sandwich and milk.
Ays! Ayoko ng gatas.
Pagkatapos kong kumain mag-isa, inayos ko na yung pinagkainan ko at umakyat na ulit sa kwarto ko. Medyo makulimlim ngayon, ayos lang din na absent ako.
Habang paakyat ako ng hagdan, kusa nalang akong napangiti Thank you Jared, dahil sayo hindi ko nararamdaman na mag-isa ako. Thank you kasi ikaw yung sumasalo sakin twing tinatapon ako ni Zoren. Ngayon, kung sasagutin kita. Hindi na dahil para makalimot kundi dahil mahal kita. I'm sorry for everything.
Nang makarating ako sa kwarto ko, natulog nalang ulit ako dahil ayokong mag-isip ng kung ano-ano.
---
Nagising ako dahil sa malakas na ulan. Nagulat naman ako ng makitang 2:38pm na, pero wala parin si Jared. Teka hinihintay ko ba sya?
Wala akong magawa kaya nag twitter, facebook, tumblr, ig, wattpad nalang ako. Hanggang sa tamarin ako at sinara ko na yung laptop ko.
Tingin ako ng tingin sa oras. Pero wala parin sya.
*ding dong* nagulat ako sa nag doorbell. Naexcite naman ako. Agad akong bumaba at kinuha yung susi sa likod ng pinto, at kumuha na din ng payong. Dahil malakas yung ulan.
Halos malaglag yung panga ko nang makita kung sino yung dumating.
Nakasandal sya sa kotse nya at basang-basa na ng ulan.
"Z-zoren? A-anong ginagawa mo dito" napalunok ako. Hindi ko magawang makapag salita ng diretso.
"Sorry Jean, i'm sorry" hindi ko alam kung umiiyak ba sya o ano? Dahil sa basang basa na sya ng ulan. Pero parang umiiyak sya sa tono ng pagsasalita nya.
"A-no ba? U-umuwi kana! B-baka magkasakit k-kapa" hindi ko alam kung may nararamdaman parin ako sakanya, siguro meron pa pero kaunti na. At pinipilit ko ng mawala yung kaunting yun. dahil gusto kong ituon yung pansin ko kay Jared. Kung kelan nahuhulog na ako kay Jared tsaka nanaman sya eepal.
Nakaramdam naman ako ng inis sakanya.
"Sorry na, kung ako'y medyo tanga hindi ako nag-iisi--" nagsimula syang kumanta. Nakangiti sya ng mapait habang umiiyak.
Nang medyo lumapit ako sakanya, lasing sya. Umiinom pala sya?
"Umuwi kana" walang emosyong sabi ko. Para putulin yung pagkanta nya.
"P-please sorry Jean, patawarin mo na ako" nagulat ako sa sunod nyang ginawa, lumuhod sya sa harapan ko
Hindi ko na kaya, ayokong maawa sakanya. Ayokong nagpakatanga nanaman.
Tuluyan ko na syang iniwan. At pumasok na ako sa loob ng bahay. Habang tumatakbo ako paakyat ng hagdan. Naramdaman ko nalang yung luhang kanina ko pa pinipigalan bumagsak.
Asan kana ba Jared? Kailangan kita ngayon. This time, ikaw na yung pipiliin ko. Pero bakit wala ka?
Isinubsob ko yung mukha ko sa unan, ayoko na! Bakit ba ang selfish mo Zoren? Kung kelan ako nagiging masaya tsaka ka naman dadating para manggulo nanaman!
Halos 30min. akong umiyak, siguro wala na akong tubig sa katawan. Kaya kusa nadin akong tumigil.
Napasilip ako sa bintana at...
Halos maglupasay ako, parang dinudurog yung puso ko. Andun padin sya nakaluhod at nakatuon yung dalawang kamay nya sa sahig.
Bababa na sana ako ng may humintong kotse, kotse nung boyfriend ni ate. Lumabas si ate at kinausap si Zoren, hindi ko naman naririnig dahil malayo ako. Sunod na nangyari ay umalis na sya.
Jared asan kana ba?
Zoren's POV
Tang*na kahit lasing ako ramdam na ramdam ko yung sakit. Wala na syang pakialam sa akin. At kasalanan ko yun! Pakshit.
Nandito na ako sa bahay ngayon.
Andito si mama hinihintay ako.
Hindi ko alam kung bat ko ginawa to at bigla ko nalang niyakap si mama. "Ansakit ma! Antanga-tanga ko!" Umiiyak na usal ko.
Hindi ko naisip na magagawa ko to, yung sabihin sa nanay ko yung nararamdaman ko. Tang*na ang bakla ko! Ang sakit e, alam mo yun? Yung alam mong ikaw yung may kasalanan kung bakit ka nasasaktan.
Pero, isang pagkakamali lang naman nagawa ko e. At sa pagkakamali ko na yun, napatawad nya na ako. Pero ngayon pakshit lang talaga! Hindi ko naman ginusto yung nakita nya. At mali din yung iniisip nya!
"No! It's not your fault" huling salita na narinig ko. At napapikit na ako.
![My Rebound Guy[Short Story]](https://img.wattpad.com/cover/38877467-64-k484256.jpg)