O

61 4 0
                                    

Jean's POV

Nagulat ako ng tinatawag ako ni Ms. Aznar dito sa backstage? Bakit naman kaya.

Kusang nanlaki yung mga mata ko nang makita, kung sino yung kumakanta, na kanina ko pa pinupuri. Si Jared pala.

Nang matapos syang kumanta.

Halos malaglag yung panga ko sa ginawa nya... lumuhod sya sa harapan ko... at...

"J-jean Fuentes? Candidate number 9 pwede ba kitang ligawan, for the second time?"

What? Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Pakshit naman o! Ayoko syang mapahiya. Napatingin ako sa crowd at nagsisigawan na din sila ng 'YES YES!' pero isang tao lang yung nakakuha ng atensyon ko.

Tumatakbong lalaki papalabas ng gym. Si Zoren.

Napatingin ako kay Jared na kanina ay ngiting-ngiti pero napalitan na ng lungkot yung mukha nya, nang sundan kung san ako nakatingin.

Napalunok ako bago magsalita.

"Hindi tinatanong yan, ginagawa" pilit kong pinapataray yung boses ko na malapit ng bumigay.

Kusa naman syang ngumiti ng pagkalapad lapad sa sinabi ko. Tumayo na sya sa pagkakaluhod.

"Hindi kita tinatanong, humihingi lang ako ng pahintulot" natatawang wika nya.

"Pareho lang yun" sagot ko naman sakanya.

"Magkaiba kaya" ngiting ngiti parin sya.

Ang ingay ng crowd nagkakagulo na sila. Ang ingay-ingay-ingay! Nakakabingi. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko.

Nang matapos yung eksenang ginawa ni Jared.

Bumalik na ako sa backstage at bumaba na din sya ng stage.

Nang iannounce kung sinong panalo, hindi ko na masyadong inintindi. Gusto ko ng umuwi nahihiya na talaga ako. Idagdag mo pa yung ginawa ni Jared.

"Jean Fuentes-Meneses" natatawang wika nung emcee

Whaaaaaaat? Parang hindi naging big deal sakin yung pagkapanalo ko, loko talaga tong si Jared pati Emcee kinuntsaba!

My Rebound Guy[Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon