R

92 6 0
                                        

Thursday ngayon at bukas na yung contest. Kinakabahan ako sa twing iniisip ko. Pano kung madapa ako habang naglalakad? Basta nakakahiya.

Hindi na ako pedeng mag back out minus 3 ako direct to the card sa MAPEH

Sinabi ko na sa ate ko na kasali ako dun pero na excite lang sya, sya na daw bahalang mag-ayos sakin. Anubanamanyan!

Excuse ako ngayon dahil may practice kami para bukas, ayos din 'tong mga teacher na to e. Isang araw lang practice.

"Good! Ms. Fuentes" kanina pa ko pinupuri nitong si Ms. Aznar kesho ganito ganyan. Hays! Nakakahiya.

Maghapon kaming nag papractice, sila Jared din. Kaya hindi na ko naka kain nung break time. Kaya ngayon gutom na gutom na ako. Hassle naman kasi nitong mga teacher na to e.

*RIIIIIIIIIIIIING RRIIIIIIIIIING* hays! Buti nalang uwian na, pagod nako e.

"Okay kapa? Oh." Tanong nya, sino paba? at inabutan ako ng sandwich.

"Thank you" super sincere nang pagpapasalamat ko dahil gutom na talaga ko.

"Ano palang sports mo?" Tanong nya sa akin.

"Wala pa nge e. Baka volleyball nalang" sagot ko.

"Ano bayan ang baduy"

"Wala e, haha siguro yun lang yung kaya ko"

"Di mo naman gagawin yun e"

"Huh?" Naguluhan naman ako sa sinabi nya

"I mean, hindi ka naman dun magva-volley ball e. Popossing ka lang. Tss!" Sabi nya

"Ganon ba?"

"Oo" sagot nya.

"Wala naman akong magagawa e, yun lang talaga yung pwede yung volleyball" wika ko. Kasi may damit si ate ng pang volleyball tapos may bola din kami ng volleyball kaya yun na talaga

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Basta, andami mong tanong noh? Tara na nga!" Sabi ko sakanya.

"Hahatid ulit kita ah?" Nakangiting sabi nya. Nagpapaalam pa, pag sinabi ko din namang hindi. Magpupumilit.

---

Katulad ng kahapon, hindi ulit sya pumasok ng bahay.

Bago sya umalis, sabi nya panoorin ko daw sya bukas.

Mauuna kasi yung game nila kesa dun sa amin. Nakakainis bat ba kasi gabi pa talaga yung walang kwentang contest na yun.

*beep*

From: Jared na makulit

Asahan kita bukas ah? :)

Hindi ko na sya nireplyan dahil wala akong load.

*beep* *beep* *beep* luh? Andaming nagtetext sakin ah.

Nang tingnan ko naman, load?

Ays, baliw talaga tong si Jared.

To: Jared na makulit

Bat mo ko niloadan?

From: Jared na makulit

Hindi kita niloadan noh!

To: Jared na makulit

Sino nagload sakin?

From: Jared na makulit

Aba ewan ko.

To: Jared na makulit

Che!

From: Jared na makulit

Kumain kana?

To: Jared na makulit

Hinde.

From: Jared na makulit

Kumain kana nga!

To: Jared na makulit

Inuutusan mo ba ko?

From: Jared na makulit

Hindi, pinapakain lang kita.

To: Jared na makulit

Magkapareho lang yun e.

From: Jared na makulit

Magkaiba kaya yun

To: Jared na makulit

Magkapareho.

From: Jared na makulit

Wag mo nga ibahin yung topic, kumain kana.

To: Jared na makulit

Ona!

From: Jared na makulit

Good, love you. Bye goodnight.

Hindi na ako nakapag reply. Bat kasi may love you pa.

---

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko, ano ba to?

14missed call? O.o

To: Jared na makulit

Uy bakit?

From: Jared na makulit

Asan kana? Malapit na magstart. Di ako maglalaro pag wala ka.

To: Jared na makulit

What the heck, ona pupunta ko dyan! Wait lang.

From: Jared na makulit

Sige, kanina pa kita hinihintay.

Naligo na ko, at nagpatuyo ng buhok. Di na ko kumain dahil baka di pa maglaro yun. Baliw talaga.

...

To: Jared na makulit

Andaming tao

Ayaw nila akong pasingitin, nauna daw sila.

From: Jared na makulit

Asan ka?!

To: Jared na makulit

Andito sa labas ng gym

Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko. At si Jared na ang gwapo gwapo, grabe natulala talaga ako sakanya.

"Natulala kapa sakin, antagal mo" nag pout pa sya

"Sorry, bat ka nandito di pa start?"

"Start na. Tara na"

Kusang nagtabihan yung mga tao na kanina ayaw akong padaanin.

Nakatingin silang lahat sa akin... sa kamay namin na *lunok* magkahawak.

My Rebound Guy[Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon