Tinatamad akong pumasok ngayon dahil makikita ko lang si Zoren sa school. Pero no choice naman ako e, kailangan kong pumasok.
Paakyat na ako ng hagdan ngayon, tamad na tamad ako bawat hakbang ko. Ano ba naman kasing buhay to.
"Jean, pakidala nga 'to kay Sir Ong" utos sakin ni Ma'am Aniana, teacher namin sa MAPEH "Asa gym si Sir Ong" dagdag pa nya bago ako talikuran.
Hays! Kung kelan may iniiwasan ako dun, tsaka naman ako mauutusan. Bwiset talaga o!
"Jean!" Tawag ng papalapit na tao sa akin habang tumatakbo.
"Uy! Jared" patay malisya na sagot ko sa pagtawag nya
"Bat di ka nagrereply?" Tanong nya
"Wala 'kong load e" sagot ko nalang
"Ah ganon? Osige, may klase kaba?" Tanong nya sa akin.
"Oo napag-utusan lang ako na ibigay 'to kay Sir Ong" yung papel na pinapabigay ni Ma'am
"Ah, osige kita nalang tayo mamayang break ah" nakangiting wika nya. At bumalik na sya sa paglalaro.
Matapos ko naman maibigay yung papel kay Sir Ong ay umalis na kaagad ako sa gym, baka tawagin nanaman ako ni Jared.
Pagkadating ko sa room walang teacher, kaya walang ginagawa. Konti lang din yung nasa loob ng room. Wala akong magawa kaya nag earphones nalang ako.
*RIIIIIIIIIIIIING RRIIIIIIIIIING* break time na namin at first period lang yung pumasok na teacher sa amin. Busy mga teacher ngayon dahil sa nalalapit na intrams. Wala naman akong participation dun kaya di ako nae-excite, wala naman akong sports e.
Pagkalabas ko ng room.
"O? Bat andito ka?" Nagtatakang tanong ko kay Jared
"Bawal ba?" Tanong naman nya.
"Wala naman akong sinabi, nagtataka lang" sagot ko naman.
"Tara libre kita!" Pagyayaya nya
"Wag na busog pa ko e" pagtanggi ko, pero ang totoo gutom na talaga ko.
"Sus! Tara na nga" at hinila na nya 'ko. Tingnan mo to. Hays!
Andito na kami ngayon sa canteen, as usual maraming tao.
Marami ang nakatingin sa akin dahil kasama ko si Jared kasi alam nila na boyfriend ko si Zoren na kilala din dito sa school, tapos kasama ko naman ngayon si Jared. Pagtitinginan talaga 'ko.
"Wag mo silang pansinin, anong gusto mo?" Napansin nya siguro na iniisip ko yung mga nakatingin sa akin-sa amin.
"Ah, kahit ano nalang" sagot ko sakanya.
"Ah, miss may 'kahit ano' ba kayo dyan?" Tanong nya dun sa nagtitinda.
Tumawa lang naman yung babae sa tanong nya, dahil sa kilala naman sya. Bukod kasi sa basketball player, gwapo pa. Mabait pa.
Tumingin naman sya sakin at sinabing "alam mo bang ang hirap bumili ng kahit ano?"
Natawa lang ako. "Kasi naman ako nalang, wag mo na 'kong ilibre"
"Bakit gusto mo si Zoren lang nanglilibre sayo?" Pabulong na sabi nya pero narinig ko. Ays! Hindi naman e, kung ano-anong iniisip nito.
"Magkapareho nalang tayo" wika ko.
Napangiti naman sya sa sinabi ko.
"Crush mo talaga 'ko e noh?"
Tinaasan ko lang sya ng kilay, baliw kasi e.
![My Rebound Guy[Short Story]](https://img.wattpad.com/cover/38877467-64-k484256.jpg)