Nakarating na kami dito sa bahay at patuloy padin si ate at mama sa pang-aasar sakin. Nakakairita!
Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at naghilamos, nagpalit ng oversize t-shirt at maikling short at diretso nang natulog. Nakakapagod
---
*tok* *tok* *tok* *tok*Nagising naman ako sa sunod-sunod at malakas na katok sa pinto ng kwarto ko.
"Oy! Gumising kana, dumiretso ka sa sala!" Narinig kong boses ni ate.
Ano bang problema nito? Napatingin ako sa phone ko para tingnan kung anong oras na.
10:46am na pala.
e ano? Sabado naman ngayon.
Naghilamos lang ako bago bumaba, di nako nagsuklay. Hindi naman gulo gulo yung buhok ko. Slight lang.
"Goodmorning" nagulat naman ako sa nagsalita? Ano ginagawa nito dito? At may dala pang flowers. Hays!
Naconcious naman ako sa itsura ko, naka oversize t-shirt lang ako nakashort ng maiksi. Medyo gulo-gulo pa yung buhok ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko.
"Wala naman, bawal ba?"
"Oo"
"Sunget. Ang ganda mo pa naman pag kakagising" nakapout na sabi nya.
Hindi na ako sumagot at umupo nalang din sa sofa, pero hindi sa tabi nya.
"Uy, pede ka ba ngayon?" Tanong nya nung maka upo na ako
"Hindi, may gagawin ako" sagot ko
"Ganun? Ano gagawin mo?"
"Matutulog" gusto kong magpahinga
"Sige na kasi! Matutulog ka lang naman e" pagpupumilit nya
"Saan ba?" Tanong ko naman, hindi din naman ako titigilan nito
"Malling lang, please?" Sagot nya "please?" Dagdag pa nya.
"Oona!"
Nakaramdam naman ako ng gutom kaya mag-uumagahan na 'ko.
"Kumain kana?" Tanong ko
Napangiti naman sya sa tanong ko, ano meron?
"Oo e, sige kumain kana" nakangiti paring wika nya.
Nang matapos akong kumain "Oy! Sandali lang, maliligo lang ako" wika ko bago umakyat ng hagdan.
"Oo sige, take your time"
Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin.
Nagbihis lang ako ng isang medyo malaki sa akin na black na t-shirt at short, converse na black. Malling lang naman.
Habang pababa ako ng hagdan, hinahanap ko kung nasan si Ate ipapafold ko sana yung t-shirt ko. Pero dahil wala, kay mama nalang.
"Ma, pafold nga" sabi ko kay mama na ngayon ay nagluluto
"Sa ate muna nagluluto ako, madumi yung kamay ko" wika nya na hindi man lang tumitingin sa akin.
Bayan! Wala nga si ate e, nasa cr ata. Ano ba kasi tong niluluto ni mama. Hays, wag na nga!
"Sige wag na, alis na ko" walang sa mood na wika ko kay mama.
Lumapit ako kay Jared na busangot ang pagmumukha.
"O? Tsura mo naman? Ang sexy mo pa naman ngayon" nakangising wika ni Jared
"Che!" Inirapan ko nalang sya